Kabanata 12

1.2K 36 0
                                    


Tatlong araw ko ng iniiwasan si Ivan.Lagi akong umaalis na bahay para hindi kami magkita.

Nakahiga ako sa kama ko at nakatalikod ako sa pintuan.Im just scrolling on my news feed in facebook.Naramdaman kong umuga ang kama,nilingon ko yon at nakita si Ivan.Inirapan ko sya at tinalikuran saka ibinalik ulit ang mata ko sa cellphone.Naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin,Isinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko.

"Sweetheart tell me whats wrong please..I cannot focus on my work because of this."sabi nya.

Hindi ako kumibo,He started kissing my neck.His kisses sent shiver down to my spine.Kinontrol ko ang samut saring sensasyon na nararamdaman ko.

"Ivan,no."sabi ko.

Huminto sya.Hinalikan nya ako sa balikat.I heard him sighed.

"Ok,just let me sleep and take a rest beside you,please."pakiusap nya.

"Ok."tipid kong sagot.

Isiniksik nya ang katawan nya sa akin saka ako niyakap ng mahigpit.Hindi ko namalayang nakatulog din pala ako.

Nagising ako ng maramdamang wala na si Ivan sa tabi ko.Tumingin ako sa orasan.Alas tres na ng madaling araw.Narinig ko ang boses ni Ivan sa may verandah ng kwarto ko.Marahan akong bumangon at lumapit sa may kurtina.

"Nathalie stop it."Narinig kong sabi ni Ivan.

Kausap nya sa telepono ang babaeng yon sa ganitong oras?Ikinuyom ko ang mga kamao ko.

"Calm down please.Okey,okey.Oo na pupuntahan na kita."sabi pa nya.

Nagmadali akong bumalik sa kama at nagkunwaring tulog.Naramdaman kong lumapit sa akin si Ivan.Hinaplos nya ang pisngi ko,marahang halik sa labi ang iginawad nya sa akin saka na lumabas ng kwarto.

Nagmadali akong bumangon at nagbihis.Sinundan ko si Ivan.Pumara ako ng taxi.Makikilala nya ang kotse ko kapag yon ang ginamit ko.

"Kuya,sundan mo ang sasakyang yan.Huwag mong hahayaang mawala sya sa paningin mo."utos ko sa taxi driver.

"Asawa mo mam?"tanong nya.

"Hindi,nobyo ko palang."sabi ko.

Nobyo?For Godsakes Hera,Bestfriend nga ang title nyong dalawa e.

"Ah..O sige po susundan natin sya."sabi ng driver.

Walang kaalam alam si Ivan na sinusundan ko sya.Pumasok sya sa isang Village.Pinapasok agad sya ng mga guwardiya sa labas ng Village.Ibig sabihin kilala sya dito.Hinarang kami ng mga guwardiya.Binuksan ko ang bintana.

"Goodmorning po mam.Saan po ka-.Miss Hera?"sabi ng guwardiya.

Kilala ako ng guwardiya.Kinuha ko ang pagkakataon para pakiusapan ito.

"Pwede mo ba akong padaanin?"tanong ko.

"Ay sige po mam."sabi nya.

"Salamat."sabi ko saka na isinara ang bintana.

Nakapasok kami ng Village.Ipinark ng driver ang taxi sa tapat ng bahay kung saan pumasok si Ivan.

"Kuya,hintayin mo ako ha?papasok lang ako."sabi ko sa driver.

"Sige po mam."sabi nya.

Bumaba ako ng taxi.Naglakad ako papasok sa gate na naiwang nakabukas.Pagkapasok ko sa gate,tumapat ako sa main door at marahang pinihit ang seradura ng pinto,nakabukas din yon.Sumilip ako,walang tao.Marahan akong pumasok at umakyat sa hagdan.May naulinigan akong mga boses sa isang kuwarto na bukas.Pero bago ko marating yon may nakita akong nakakalat sa sahig.Pinulot ko yon.

Forever YoursWhere stories live. Discover now