Kabanata 18

1.3K 37 1
                                    


Habang kumakain kami ng dinner sa beach house.Napansin ni Loraine ang suot kong dress.Im wearing a violet color turtle neck long sleeve dress.

"Hera,parang ngayon lang kita nakitang nagsuot ng conservative na damit."puna nya.

"Nagkaroon ako ng allergy kanina.Nasobrahan yata ako ng paglangoy sa dagat."pagsisinungaling ko.

Tumingin sa akin si Ivan.Nagtama ang mga mata namin.Nauna akong nagyuko.

"Ah,ganon ba?"ani Loraine.

"Anong oras ang flight nyo?"tanong ko.

"alas tres ng madaling araw.After ng dinner natin luluwas na kami ng Maynila.Sumabay kana lang dito kay Ivan bukas pabalik ng Manila."sabi ni Loraine.

"Okey."sabi ko.

Tumayo si Loraine at niyakap ako.Napangiwi ako ng maidiin nya ang likod ko.

"Ouch!Loraine,huwag mong diinan yang likod ko."sabi ko.

"What happened on your back?"tanong nya.

"Naitama sa pintuan kanina."sabi ko.

"Mag ingat ka,Hera."sabi naman ni Jeff.

Ngumiti lang ako kay Jeff.Hindi naman kumikibo si Ivan.

"Kelan pala ang balik mo ng New York?"tanong ni Jeff.

"After two weeks pa.Mauuna si Bradley sa aking bumalik don.Kailangan ko pa kasing makipagkita kay Zeus.May pag uusapan kami about business."sabi ko.

"Maaabutan mo pa kami don sa New York,bestie.One month kami don e."sabi naman ni Loraine.

"See you there."sabi ko.

"Bakit pala two weeks ka lang dito?"tanong ni Jeff.

"Marami akong iniwang trabaho don.And you already know whats my other reason."sabi ko.

"No planning for settling down?"tanong ni jeff.

Napatingin ako kay Ivan na parang walang pakialam sa usapan.Tumingin ako kay Jeff.

"Kapag handa na ang groom ko."sabi ko.

Nagtinginan ang mag asawa tapos tumingin sa akin saka ako kinindatan.

"Ikaw,Ivan.Kelan ka mag aasawa?"tanong ni Jeff.

"I dont have plan to get married."seryoso nyang sabi.

Napatingin ako sa kanya.

"Why?I thought you will marry Nathalie?"tanong ni Loraine.

"No.I already asked a woman to marry me five years ago,but she refused to marry me.Ginawa pa nga nya lahat para makatakas sa akin.Even killing her own child."sabi nya.

Napayuko ako.Talagang napakatindi ng galit nya sa akin.Kung alam mo lang sana na buhay ang anak mo,na hindi ko sya pinatay,na kaya ko pinipilit makipaglapit sayo ay para sa anak natin.Pero paano kung malaman mong buhay siya?Mas lalo mo na akong kasusuklaman.

"At ang anak nya sa ibang lalaki hinayaan nyang mabuhay."anya.

Marahas akong tumingin sa kanya.

How many times do I need to tell you that she's not my daughter!"sabi ko.

"Hep!Hep!sino bang bata yon?"tanong ni Loraine.

"That little girl in the video on your wedding day.Yung batang kamukha ko."sabi ko.

Tiningnan ko si Loraine.

"Ahh!Si Lindy?anak ng friend ko yon.Pinaglihian nya kasi si Hera kaya naging kamukha nya ang bata."sabi ni Loraine.

Forever YoursOù les histoires vivent. Découvrez maintenant