Kabanata 31

1.4K 30 0
                                    


Hands on kami ni Ivan sa pag prepare ng aming kasal kahit pareho kaming busy. Si Calix naman ay inienrol namin sa isang private school sa kagustuhan na rin ni Ivan.

Tumingin ako sa suot kong relo, alas tres na ng hapon. Inayos ko na ang mga nasa table ko at naghanda na para umalis. May appointment kami ni Ivan sa designer na gagawa ng wedding gown ko. Dadaanan ko sya sa hospital. Tumayo ako at umalis na ng opisina.

" Hi Miss Hera!" bati sa akin ng isang nurse.

" Hello. Tapos nabang mag round si Dr. Del Fiero?" tanong ko.

" Ay opo. Nasa Doctor' s lounge na po sya." sagot sa akin ng nurse.

Napansin kong siniko sya ng katabi nyang nurse.

" Thanks." sabi ko saka na ako naglakad papuntang doctor' s lounge.

Nakita ko si Ivan at kasama nya si Nathalie na abot tenga ang ngiti. So nakabalik na pala ang crazy bitch na to. Well, Ivan is mine. Lumapit ako sa kanila.

" Sweetheart." tawag ko kay Ivan.

Napalingon naman agad sya. Nakita kong nanlaki ang mata ni Nathalie ng makita ako.

" Sweetheart, nandito kana pala." anya.

Nilapitan nya ako saka ako hinalikan sa labi.

" What' s the meaning of this?!" tanong ni Nathalie.

Napatingin kami ni Ivan sa kanya.

" Ivan did' nt told you?" tanong ko.

Tumingin ako kay Ivan. " Sweetheart just tell her what she needs to know." sabi ko kay Ivan.

" Where getting married." sabi ni Ivan kay Nathalie.

Gimbal si Nathalie sa narinig.

" What?! But I am your fiance Ivan!" sigaw nito kay Ivan.

" Nathalie, matagal na tayong tapos." mahinahong sabi ni Ivan.

" No! Alam mo bang napakalaki ng kasalanan ng babaeng yan sayo! Gusto ka lang nyang saktan!" sigaw ni Nathalie.

" We love each other. Just accept the fact that Ivan choosed me." sabi ko.

" You Bitch! Sa tingin mo pakakasalan ka pa nya once na malaman nyang niloko mo sya five years ago?!" sabi nya.

" Stop it Nathalie please." pagsusumamo ni Ivan.

I crossed my arms at matapang kong hinarap si Nathalie.

" Alin? Yung tungkol sa anak namin?" tanong ko.

Nakita ko syang tumingin kay Ivan. " Y..you know about it, Ivan?" tanong nya kay Ivan.

Tumango si Ivan. Marahas na napabaling sa akin si Nathalie.

" You bitch!" anya.

" Im not! " sigaw ko.

Pumagitna na sa amin si Ivan." Stop it! Nathalie im sorry but I love her. I want to marry her and be with her for the rest of my life." sabi ni Ivan.

Napaiyak na si Nathalie. " Ivan No! please come back to me!"

" Im sorry." sabi ni Ivan.

Hinawakan ako sa bewang ni Ivan at iginiya na palabas. Naiwang umiiyak si Nathalie.

Nang nasa kotse na kami si Ivan na ang nag ayos ng seatbelt ko.

" She' s crazy." sabi ko.

Kinintalan nya ako ng halik sa labi. Saka ngumiti sa akin. Inirapan ko sya.

Forever YoursOù les histoires vivent. Découvrez maintenant