Kabanata 33

1.2K 31 0
                                    


Nasa opisina ako at abala sa pagbabasa ng mga proposals at kung ano ano na nasa table ko. Tumunog ang intercom na nasa tabi ko.

" Yes Diane?" Sagot ko habang hindi inaalis ang mga mata ko sa folder na binabasa ko.

" Miss Hera, Mrs. Sabrina Macapagal is on the line. Will I connect her to you?" Tanong ni Diane.

" Okey." Sabi ko.

Dinampot ko ang telepono sa table ko.

" Hello Hera, how are you?" Tanong ni Sabrina sa kabilang linya.

" I' m fine Sab. How about you and Zeus?" Balik tanong ko sa kanya.

" We' re fine. By the way, I have a proposal to you." Sabi nya.

" What is it?" Tanong ko.

" I want your company to make the Hera' s line of clothing." Diretsong sabi nya na syang ikinabigla ko.

" W- what?" Nauutal kong tanong.

" You heard it right. I la- launch ko ang mga bagong design ng Hera' s Collection of stilleto at gusto ko na ipares sa mga produkto ng company mo." Paliwanag nya.

" Sounds great! Walang problema kung ganon." Sabi ko ng makabawi ako sa gulat.

" Kaya umpisahan mo ng gumawa ng mga bagong design. I will email the photos of the newest design of stilleto's to you, para makapag decide kayo ng team mo kung ano ang babagay na outfit para don." Anya.

" Okey. Pero kailan ang launching para malaman ko kung hanggang kailan ang maibigay kong deadline sa team." Tanong ko.

" The launching will be on the Third week of November. You have three weeks to prepare." Sabi nya.

Nagulat ako sa sinabi ni Sabrina." Ha? Three weeks lang?" Tanong ko.

" I know you can make it, Hera. Nagawa mo na yan dati sa company ko kaya alam kong magagawa mo ito sa sarili mong kumpanya. This is your chance to be on top again." Seryosong sabi nya.

Tama sya. Kapag nagawa ko ito, yun na ang umpisa para muling maging no. 1 ang kumpanya.

" I will do all my best, Sab. I will wait for your email so my team can see all your new design." Sabi ko.

" Ok then. I will hang up now and I will now send you also the proposal. Thanks Hera. I know I can count on you." Anya.

" Always, Sab. Have a good day. Bye." Ini end ko na ang tawag. Pinindot ko ang intercom at tinawag si Diane.

" Diane come to my office." Sabi ko.

Maya maya pa ay bumukas na ang pinto at pumasok si Diane.

" Prepare an emergency meeting right now." Utos ko.

" Okey Miss Hera." Sagot nya saka mabilis na lumabas ng opisina ko.

Nang makita ko ang email ni Sabrina, isinave ko lahat sa flash drive para ipresent mamaya sa meeting. Saktong natapos ako ng pumasok si Diane sa office.

" Miss Hera nasa conference room na silang lahat." Tawag nya sa akin.

" Okey, let' s go." Sabi ko.

Tumayo na ako at nagpunta na sa conference room. Pagkatapos kong kausapin ang mga board of directors ay ang mga designers naman ang ka meeting ko.

" See all the stilleto design?" Sabay turo ko sa monitor. " Yan ang paparisan nyo. Think a design that will fit on each stilleto. And sa New York gaganapin ang launching. We have three weeks to prepare. Maasahan ko ba kayo dito?" Tanong ko.

Forever YoursWhere stories live. Discover now