Kabanata 9

1.2K 34 0
                                    

Its been 3 weeks magmula ng hindi ako siputin ni Bradley sa simbahan.Tatlong linggo narin akong nagmumukmok sa kuwarto.Nagpasya akong lumabas.Pero lahat ng jeans ko hindi na kasya sa akin.Mag dadalawang buwan na ang tiyan ko kaya medyo sumikip na ang mga jeans ko.

"My God baby,nawala na ang sexy figure ni mommy!"

Hinahaplos ko ang tiyan ko at kinakausap.Napailing na lang ako.Kumuha nalang ako ng isang itim na leggings at isang loose sleeveless white blouse.

"No to stilletos muna." sabi ko.

Pumili ako ng isang flat doll shoes.Humarap ako sa salamin at naglagay ng konting pulbos at lipbalm.Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas ng kuwarto.Nagulat pa si yaya ng makita ako.

"Lalabas ka anak?"nagtatakang tanong nya.

"Yes,yaya.May bibilhin lang po ako."sabi ko.

"Gusto mong samahan kita?"

"No need yaya.Kaya ko po."sabi ko saka na ako lumabas ng pinto.

Pupunta ako ng hospital para bisitahin si Ivan.Pagpunta ko sa nurse station,nagulat pa ang mga nurse sa akin.

"Hi,Si Dr.Del Fiero nasaan?"tanong ko.

"Nasa Childrens ward po Miss Hera."alanganing sagot ng nurse.

"Saan yon?"

"Samahan po kita."sabi ng nurse.

Pumasok kami sa isang kuwarto at may apat na bata.Tig isa sila ng kama,nandon din ang mga bantay nila.Nakaupo si Ivan sa kama ng isa at masayang nakikipag kwentuhan sa mga bata.

"Hayan sya miss,ikaw nalang ang tumawag ha?"sabi ng nurse.

"Sige,salamat."

Ngumiti ang nurse at umalis na.Tumingin ako sa nakatalikod na si Ivan.The way he talked to the childrens Im sure he will be a good father.

"Kaya kailangan magpagaling kayo para hindi ko na kayo tusukin ng injection."narinig kong sabi nya.

"Magpapagaling po ako Tito Doc para maging doctor din po akong kagaya mo."sabi ng isang batang babae.

"Maganda yang pangarap mo.Para madami ka rin na matulungan."Sabi ni Ivan sa bata.

"Ako po Tito Doc magpapagaling din para makapag asawa ako ng kasing ganda ng babaeng nasa pinto."sabi ng isang batang lalaki.

Tawanan silang lahat.Nakasimangot naman ang batang nagsabi non.

"Totoo nga!Gusto kong mag asawa nang kasing ganda nya!"sabi nya sabay turo nya sa akin.

Automatically,nilingon nilang lahat ang tinuturo ng bata,na walang iba kundi ako.Nagulat si Ivan ng makita ako,pero hindi naglaon ay napangiti narin.Tumayo sya at nilapitan ako saka ako hinalikan sa noo.Narinig ko na lang ang sabay sabay na pagsasalita ng mga bata.

"Uyyyy!"sabi nila na nanunukso.

Nilingon sila ni Ivan saglit saka ako muling binalingan.

"Anong ginagawa mo dito?"Tanong nya.

"I'll just want to breathe some fresh air."Sabi ko.

"Finally.Nagdrive ka?"tanong nya.

Tumango ako."Mukha yatang naistorbo kita?"

"Hindi naman.Tapos na duty ko,kinuwentuhan ko lang sila.Come,I will introduce you to them."

Hinawakan nya ako sa siko at inakay papunta sa mga bata.

"Siya ang Tita Hera nyo."pagpapakilala ni Ivan sa akin.

"Tito Doc,sya po ba ang mapapangasawa nyo?"tanong ng batang tumuro sa akin kanina.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon