Kabanata 16

1.3K 38 0
                                    


Marahas kong binawi ang kamay kong hawak ni Ivan.Nabitiwan naman nya yon.Matapang kong sinalubong ang mga mata nyang nag aapoy sa galit.

"Kung makapagsalita ka parang wala kang kinalaman sa nangyari.May I remind you Dr.Del Fiero or should I say,My dearest bestfriend.You're the reason why I did that."sabi ko.

"Hinusgahan mo na agad ako ng hindi mo ako tinata-"

"At bakit pa kita tatanungin?Nakita ng dalawang mata ko ang ginagawa nyo ni Nathalie.Oh!Sorry,nakalimutan ko na girlfriend mo nga pala sya,so you have the rights to fuck her."mahinahon ngunit may diin kong sabi.

"Watch your mouth,maraming tao sa paligid mo."anya na halos pabulong lang.

Napatingin ako sa paligid.May ilang bisita nga na nakuha namin ang atensiyon at nakatingin na sa amin.

"Damn!"sabi ko.

Inis akong naglakad palayo kay Ivan.Bumalik ako sa upuan ko,ganon din sya.

May lumapit sa aking babae.

"Excuse me.Kayo po ba si Miss Hera?"tanong nya.

"Yes."sagot ko.

"Sabi po ng bride mag palit na daw po kayo ng damit,mag start na po kasi ng 6pm ang party.Kayo po ang mag start."anya.

"What she wants,Hera?"tanong sa akin ni mommy.

"I have a production number mom.Ewan ko kay Loraine at ang daming pakulo.Excuse me po muna,I need to change my outfit."sabi ko.

"You will sing or you will dance iha?"tanong ng mommy ni Ivan.

"Dance po tita.Lambada."sabi ko.

"Lambada?Sinong kapartner mo?"kunot noong tanong ni Ivan.

Tumayo ako bago sumagot."Si Bradley."

Naglakad na ako at sumunod sa babae.Pagdating ko doon,iniabot nya sa akin ang isusuot kong damit.Isa yung kulay gold na sleeveless croptop at mini skirt na karaniwang isinusuot ng mga sumasayaw ng lambada.

"Heto po ang cycling shorts nyo mam."anang babae.

"Thanks."

Kinuha ko yon at nagbihis na.Pagkatapos ay isinuot ko na ang gold stilletos ko.Hinayaan ko na lang nakalugay ang buhok ko.Paglabas ko ng pinto nandon na si Bradley.Nakabihis na rin.He's wearing a white loose pants and a white polo short na hindi naka butones.Sapatos na puti din ang pares.Sinipulan nya ako ng makita nya ako.

"Stop it,Brad."sabi ko.

"Okey.By the way sinabihan ko na yung isang pamangkin ko na kunan tayo ng video para maisend ko don sa New York."anya.

"Naku huwag na huwag kang magkakamaling tapakan ang paa ko,baka matuluyan na ang kuko ko sayo."biro ko sa kanya.

"Dont worry,I know the steps already.Hindi ba masyadong sexy yang suot mo?"anya.

"Hello!Yung iba nga halos naka bra na lang e.mabuti nga ito,croptop pa.tiyan at kalahati ng likod ko lang nakikita."sabi ko.

"Ngayon palang nakikita ko na kung paano mag aapoy ang mga mata ni Ivan."natatawa nyang sabi.

"May I have your attention please."

Narinig naming sabi ng nagsalita sa mikropono.

"We will now start the party for the newly wed,Jeffrey and Loraine.And we will start with the request of the bride.Dancing in the tune of Lambada,here's the bestfriends of the bride and the cousins of the groom."

When the music play,Pumasok na kami ni Bradley at nagsimulang umindak sa tugtugin.Palakpakan ng mga tao ang narinig ko.Nakangiti sa akin si Bradley sa twing magdidikit ang mga noo namin kaya pati ako napapangiti na rin.Nang umikot ako hindi ko nakita si Ivan sa inuupuan nya kanina.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon