Chapter 2

7.7K 165 2
                                    

Chapter 2
Mr. Snob

Eat and run. Iyon talaga ang ginawa ko pagkatapos kong makikain sa birthday ng pinsan kong si Andrew. Tumakas na din ako sa inuman. Paniguradong raratratin ako ng mga pinsan ko sa ginawa kong pagtakas.

Actually, hindi naman kasi ako tumakas talaga. May sisilipin lang ako. Napagpasyahan kong maupo sa may ilalim ng puno doon sa may tapat ng simbahan. Nilabas ko ang cellphone ko at sinilip kung may text ba akong natanggap.

Mula sa cellphone ko ay inangat ko ang tingin ko sa maingay sa bandang kaliwa ko. Doon nakita ko iyong dalawang kaibigan ni Emoji. Dalawa silang nakaupo sa mga motor nila. Binagsak ko din agad iyong mata ko sa cellphone ko at binuksan ko ang data connection.

Sunod sunod na tumunog ang messenger ko. Karamihan ay galing sa mga kaklase ko at iyong isa, galing kay Eli. Kung ano ano na naman kinekwento sa akin. Nakita ko ding online si Emoji, pero pusta kong hindi na magchachat iyon dahil sa hindi ko pagpansin kanina sa kanya.

"Solo? Lagi ka nalang solo ah." Tinabihan ako ni Juday, isa sa mga pinsan ko.

"Ha? Nagpapahangin lang saglit. Tyaka sanay naman na akong solo."

"San si Elizabeth?"

"Malay ko doon. Baka nasa boyfriend nya." Sagot ko. "Ikaw? San boyfriend mo?"

"Papunta na, kaya nga lumabas ako saglit kina Andrew."

"Ah." Sinabayan ko pa iyon ng pagtango.

Tumunog ang cellphone nya. "Wait, sagutin ko lang."

"Sure."

Binagsak ko uli ang tingin ko sa cellphone ko at nakitang tahimik na ang messenger. Nireplyan ko lang si Eli na magkita kami now dito sa may simbahan bago ko pinatay ang data ng phone ko. Pinindot ko din ang lock button.

"Sinag, okay ka na ba jan? Iwan na muna kita, nandyan na si Boyfie." Ani Juday sa akin.

"Sige, okay lang ako."

Kumaway sya at tumakbo na. Napailing nalang ako. Nasakto namang tumama ang mata ko sa labas ng subdivision ng tinitirhan namin. Suot ang isang plain v neck na kulay black at white tokong shorts ay nakita kong palabas si Emoji. Naka-cup sya na kulay black din at naka-tsinelas lang.

Hindi naman pansin ang pwesto ko kaya malaya ko syang natititigan. Naglakad sya hanggang doon sa may tindahan. Naputol lamang ang pagtitig ko sa kanya ng tumunog ang cellphone ko.

I had to catch my breath when I saw his name appeared in the screen.

Emoji:
Game?

Tyaka ko lang naalala iyong pinagchat namin kagabi. He was asking me if I can join him to drink. Pero teka, ano bang sabi ko nga?

Nasapo ko ang noo ko dahil ako pala mismo ang nagsabing ngayong nalang kami. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Hindi ko kasi alam kung papayagan ako ni Mama and what's worst, wala pati akong pera. Hays. Sabado kasi kaya walang allowance.

Binalik ko ang tingin ko ang tingin ko sa kanya at nakitang nakikipag usap na sya doon sa bestfriend nyang nakasakay sa motor. May usok na namang umaaligid sa kanya dala marahil ng vape nya.

Matapos nilang mag usap ay sumakay sya sa likod ng motor at umalis na sila. Tinago ko nalang ang cellphone ko kasi no use at wala naman akong load, bahala na.

Ilang minuto pa bago ko nakita si Eli na tumatakbo palapit sa akin. Basa basa pa ang buhok ng bruha.

"Sorry, ngayon ko lang nabasa iyong chat mo." Aniya hustong makarating sa pwesto ko. "So, what's up?"

You're The Only One (Lausingco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon