Chapter 8

5.2K 114 1
                                    

Chapter 8
Huli

I have dark circles around my eyes. Paano, hindi agad ako nakatulog dahil sa tuwing pipikit ako, iyong pangyayari kagabi ang nakikita ko sa balintataw ko. Kaya ng ending, ayun, puyat na puyat ako.

Buti nalang at inayos ni Mama iyong mga gamit ko para diretso alis nalang ako mamaya.

Tulala ako sa hapag kainan namin at parang tanga na hawak hawak ang labi ko. I can't stop thinking about the kiss Emoji and I shared. Kapag naaalala ko iyon ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Isa pa iyong sinabi nyang gusto nya ako. But at the back of my mind, hindi ko din maiwasang hindi maniwala. What if sinabi nya lang iyon kasi...

Natigil ang pag iisip ko ng hinilamos ni Ate ang palad nya sa mukha ko. Sinamaan ko sya agad ng tingin.

"Ano ba!"

"Kumain ka na kaya. Kanina ka pa tulala jan." Sabi nya pa.

"May problema ba?" Tanong naman ni Kuya.

Umiling nalang ako at nagsimula ng kumain. Kinagat kagat ko pa ang pang ibaba kong labi dahil weird man isipin pero pakiramdam ko damang dama ko pa din ang labi ni Emoji sa labi ko. Ay jusko, ano ba ito.

"Ma, si Sinag ang creepy." Ani Ate.

Tinaasan ko sya ng kilay. Sinulyapan naman ako ni Mama. Ngumiti ako agad.

"Inggetera ka talaga." Asik ko sa kanya.

Nang matapos kaming mag-almusal ay agad akong naligo para mabilis na makapag ayos. Mamaya lang ay nandito na si Elizabeth.

Isang simpleng grey v neck shirt at leggings ang sinuot ko tyaka iyong white vans shoe ko. Ipinaikot ko iyong buhok ko kaya tumalsik ang basa niyon sa loob ng kwarto. Hinayaan kong naka-lugay iyon habang nag aayos ako ng kilay ko.

"Nandyan na si Eli. Bilisan mo daw." Katok ni Ate sa kwarto ko.

"Oo, saglit lang pakisabi."

Tinapos ko na din agad ang pagaayos ko ng sarili ko. Sinakbit ko ang body bag ko at ang back pack ko. Isang sulyap ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng silid. Pumalakpak si Eli nang makita nya ako.

"Finally!"

Inirapan ko sya at lumapit na kay Mama. Hinalikan ko sya sa noo at binatukan ang dalawa kong kapatid. Nagpaalam na din si Eli kina Mama at sabay na kaming lumabas ng bahay namin.

Ngayon, babalik na kami sa Maynila para sa ojt. Lumakad na kami ni Eli palabas ng compound.

"Hindi uso ang suklay sayo?" Tanong nya at pinasadahan ng kamay nya ang mamasa masa ko pang buhok.

"Eh, nagmamadali ka na diba?"

Sumulyap ako sa bahay ng mga Lausingco noong mapadaan kami ni Eli doon, automatiko ding napadako ang mata ko sa grahe nila at agad akong nakaramdam ng pag iinit ng pisngi ko.

Bumukas ang gate nila kaya napatabi kami ni Eli. Dinumog ng kaba ang dibdib ko sa kadahilanang baka si Emoji ang lalabas sa gate, pero ganoon nalang ang pagbagsak ng balikat ko dahil iyon ay ang Mama nya, na may kasamang bata. Ngumiti sya sa amin ni Eli kaya ngumiti din kami pabalik.

"Taray, nginitian ka ni Mama." Siniko pa ako ni Eli. Inismidan ko nga.

"Ssh. Marinig ka, nakakahiya."

Huminto kami sa labasan para maghintay ng tricycle. At habang nakatayo kami doon ay sinusuklayan nya ako ng buhok.

"Nga pala, pag dating natin doon sa Maynila. Magpakita naman daw tayo kay Rain. Nagdadrama." Sabi ko.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now