Chapter 30

4.7K 107 5
                                    

Chapter 30
Bad

"Finally! I thought hindi ka papayag." Pumalakpak si Rain.

Nakipagkita kasi ako sa kanya sa Antigua. Sinabi ko sa kanya na papayag na ako sa one time modeling. Sinabihan ko din naman si Bryan pero hindi sya sumagot kaya baka busy.

"Busy iyon. May malaking project syang nakuha." Sagot ni Rain nang itanong ko sa kanya si Bryan.

"Kailan ako magsisimula?" Tanong ko pa uli.

"As soon as possible." Ngumiti sya. "Actually bebe, ikaw kasi ang ipapalit sa akin. I have to quit modeling. Medyo hindi ko sya passion eh. Pero don't worry, paminsan minsan naman ay tatanggap pa din ako kaso hindi na nga lang palagi."

"Bakit? I thought you love this job?"

"Mas kailangan kong kumayod. Kasi kapag modeling, nawawalan ako ng time kina Mama tyaka doon sa dalawa kong kapatid."

"Di mawawalan din ako ng oras kay Zk?"

"Hindi! Pwedeng ikaw ang magset ng schedule mo. Kaya mo iyan. I will train you don't worry." Pinisil nya ang kamay ko.

Sabi ni Rain around Pasay daw ang opisina ng model agency. Malapit kina Auntie kaya hindi ako mahihirapang maghanap ng apartment, though my offer na titirhan sa akin. Tinanggihan ko.

Ipinaalam ko kay Mama iyon at sinabi nyang gawin ko daw ang gusto ko at sya na daw muna ang bahala kay Zk. Uuwi naman ako kada sabado at linggo para siguradong may oras ako sa anak ko.

Sinamahan ako ni Rain sa opisina na sinasabi nya. Pinakilala nya ako kay Miss Rocky Montez. She's the manger of this office. Nagmeeting lang kami kasama pa ang ibang model na kasamahan ni Rain. Wala si Bryan dahil nasa Palawan iyon para sa malaking shooting ng bagong clothing line ni Miss Loise Adeline Obis.

Mas nakikilala na ang loko. At mas nagiging busy na sya.

First week ko, dalawang project ang natanggap ko. Rain was there, she guide me while posing. Sa una, nahirapan ako, until unti unti ay nakukuha ko naman. Tyaka mababait ang mga staff at ang ibang model.

"Good job, Sinag. Kahit baguhan ka palang." Nakangiting puri ni Miss Rocky sa akin.

"Salamat po, Miss."

Pabiro nyang hinampas ang braso ko.

"Rocky nalang." May inabot sya sa sa aking brown mini envelope. "That's your payment for this week."

"Thank you, Rocky."

"Sige na. You can take a break muna. Balik ka next week kasi may naka-line up kang bagong project ha." Natawa sya. "Buti nalang nagresign si Strawberry. Mas mabenta ka sa mga magazines and clothing line."

Tinago ko iyong sobre na binigay nya sa akin sa bag ko. Thursday palang ngayon pero tapos na ang apat na project ko.

"Flowers for our most humble model. Miss Sinag."

I saw Mark handling me a bouquet of white roses. Nakita kong umirap pa si Rocky sa kanya. Ganyan sila, aso't pusa lagi.

"Oh. Thank you."

"Good job. My camera loves you." Aniya sabay akbay kay Rocky. "Huwag kang umirap, napaghahalataang nagseselos ka."

"Tse!" Singhal ni Miss Rocky sa kanya.

Natawa ako at sinakbit na iyong bag ko. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong may text galing kay Emoji.

Ganyan sya, palaging nagtatanong sa whereabouts ko. Ayaw kong mag-assume at pilit kong sinisiksik sa utak ko na friends lang kami. And really, I'm still moving on by having my own life without him in the picture.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now