Chapter 5

6.5K 151 5
                                    

Chapter 5
Dinner

So far, nag eenjoy naman ako sa OJT. Madami din akong nalaman sa Lausingco Hotels. Itinayo pala ito noong 1977, hindi pa ganitong kaganda ito. Pero ngayon, madami na silang branches sa iba't ibang parte ng pilipinas. Iyong mga pinsan ni Emoji ang naghahandle noon, courtsey of his Lola Yolanda Auriella Lausingco also known as Lola Yolly.

I've never met his Lola pero ayun sa mga sabi sabi sa lugar namin, mabait daw iyon at talagang malapit ang mag pipinsang mga Lausingco doon. But I remembered one time na na-encounter ko si Lola Yolly, iyong time na nagorder sya ng apat na chiffon cake kay Mama noon. Masasabi kong mabait nga iyong Lola nila.

"Paki-aarange naman ng mga ito, Sinag. Tapos kapag ayos na, pwedeng pakiabot kay Sir Eris?" Ani Dada, iyong secretary ni Sir Eris. "May ginagawa ka ba?"

Actually, katatapos ko lang gawin iyong tasks ko. Pero...

"Ayos lang ba? May report kasi akong tatapusin para kay Sir Earl."

Gusto ko sanang sabihin na ako nalang iyong manggagawa ng report, ang kaso hindi naman ako marunong. Kaya.

"Sige." Tinaggap ko na iyong folder na dala nya.

Kulang nalang mapapalakpak sya at magtatalon dahil kitang kita ko na mababawasan na ang trabaho nya.

"Salamat, hindi naman nagmamadali si Sir Eris jan so matatapos mo iyan bago mag three pm."

Tumango nalang ako at iniwan na nya ako. Pumasok ako sa locker ng mga ojt's. May lamesa doon kaya doon ko nalang aayusin itong mga ito.

Medyo mahirap pala, kaya halos maduling duling ako sa pag aayos. Saktong alas dos y medya ko natapos ang pag aayos ng mga finance paper na ito.

Ayaw ko man pero automatikong kumilos ang mga kamay ko para kunin ang pouch bag ko at mag ayos ng sarili ko. Shit, really Sinag?

Nang matapos ako ay binuhat ko na iyong folder at kinipkip sa may dibdib ko. Mahirap na baka magkalat na naman. Ang hirap kayang ayusin nito.

Pinindot ko ang number ng floor ni Emoji este Sir Eris pala. I bit my inner cheeks to stop me from getting nervous. Panay din ang buntong hininga ko.

Ting!

Lalong dumamba ang kaba sa dibdib ko nang bumukas na ang pinto ng elevator. Paglabas ko, tahimik lang doon at nanayo ang balahibo ko dahil wala akong makita sa paligid.

Kumunot ang noo ko at naglakad ng konti hanggang sa may nahagip akong silver double doors doon. Wow, so ang pinakang dulong floor ay buong opisina ni Emoji? Taray! Ang gara naman pala talaga ng mga Lausingco.

Tumapat ako doon sa double doors. At agad na nagtalo ang utak ko kung kakatok ako o bubuksan ko nalang? Sa huli, ang ginawa ko ay binuksan ko nalang iyon.

"Ayusin mo Ej! Hindi dapat palaging si Earl ang maghahandle nito, ipapaalala ko sayo, manager lang sya."

Nakita ko doon ang pigura ng tatay ni Emoji.

"Pa, maayos naman yan." Sagot ni Emoji.

"Ej, anong maayos? Kung maayos di sana may pirma na!"

Nabitawan ko ang pinto dahil sa pagsigaw ng tayay ni Emoji. Sabay silang napalingon sa akin dahil sa pagbagsak nung pinto. Yumuko naman ako.

"Miss? What can we do for you?" Kalmado na ang boses ng tatay ni Emoji.

Mabilis naman akong nag angat ng tingin. Xerox copy, iyon ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. Kamukhang kamukha ni Emoji ang tatay nya, while Earl got most of his looks with his Mom.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon