Chapter 21

4.5K 109 0
                                    

Chapter 21
Gulo

Kanina pa ako nag iiscroll sa timeline ng facebook ni Emoji. And I must say na baka pinaglilihan ko sya. From the eyes down to the chin.

Bakit ang gagwapo ng mga Lausingco? Legal pa yun? Iyong mga babae naman, magaganda? Nasaan ang Hustisya?

Nakaupo ako dito ngayon sa labas ng bahay namin sa Lucena. Isang linggo na ang nakakaraan nang makauwi ako. Talagang umiyak ako noon, pero ang alam ni Mama, namimiss ko sila hindi dahil buntis ako.

Patago akong kumain ng pagkain na gusto ko. At kapag umaga, bibihira nalang akong dalawin ng morning sickness ko. Kaya kumpirmado kong buntis nga ako. Kinakatakot ko lang talaga ay ang pagsasabi nito kina Mama, lalo na't inaayos palang nila ni Papa ang gusot nila.

Pinatay ko ang data connection at nilock ang cellphone ko. Alam ni Emoji na umuwi muna ako sa Lucena, hindi ko sinabi ang dahilan. Pero ngayon, parang may tumutulak sa akin na sabihin na iyon sa kanya.

Napabuntong hininga ako. Ako palang ang nakakaalam na buntis ako. Ang hirap pala? Minsan kapag gabi, iniiyak ko nalang kapag nagugutom ako. Hindi naman kasi pwede na umungot ako kay Mama ng pagkain kasi magtataka iyon.

Binuksan ko uli ang cellphone ko at pumunta sa message application. Kailangan na malaman ni Emoji na buntis ako. Tapos bahala na sya kung papanagutan nya ba o hindi. Sa akin ay wala iyon, kaya ko naman buhayin ang bata.

Ako:
Ej.

Labinglimang minuto ay nakatanggap ako ng tawag galing sa kanya. Sumikdo naman ang puso ko. Namimiss ko na sya.

[Sinag.]

"Oy, kamusta?" Casual kong sabi.

[Ayos naman. Kakatapos lang ng meeting. Kailan ka babalik dito?]

"Baka hindi na." Pinaglaruan ko ang dulo ng suot kong shorts.

Rinig ko naman ang ingit ng upuan sa kabilang linya.

[Why?]

"Eris Jon..." Hingang malalim.

[Yes, baby?] Nahimigan ko ang biro nya doon.

"I'm pregnant."

Narinig ko sa kabilang linya ang parang pagkakahulog mula sa pagkakaupo nya.

"Ej? Ayos ka lang."

[What did you just say?]

"I'm pregnant."

[Wait? What?]

"Don't worry. Hindi naman kita inoobliga." Sabi ko na parang wala lang. "Ininform lang kita."

Rinig ko ang marahas na paghinga nya.

"Baka kasi sabihin mo ang selfish ko, ganern." Sinundan ko pa iyon ng pagtawa.

Walang sagot sa kabilang linya kaya sinigurado kong nandoon pa din sya at hindi naputol ang linya.

"Ej?"

[You're pregnant?]

"Yes po."

[How come? Safe tayo diba?]

"Baguio. Hindi ka gumamit ng condom."

Napamura sya sa kabilang linya.

"Uulitin ko, hindi naman kita inoobliga na panagutan ako. Kaya kong buhayin to. You should live your life."

[Tangina, Sinag.] Matigas nyang sabi. [For pete's sake, Sinag. That's a Lausingco we're talking about. That's mine.] Mababa ang boses nya na may halong seryoso.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu