Chapter 40

5.8K 100 6
                                    

Chapter 40
Dito

Tonight is the Charity Party. Ito iyong pinapaalala sa akin lagi ni Rocky. Ito din iyong party last year na hindi ko napuntahan and I was really sorry for Adie that time. Naiintindihan naman daw nya. But this time she provided the gown I'll be wearing. Sabi ko nga simplehan lang nya at ayokong maging agaw pansin doon sa Charity mamaya.

Si Rain ang nagvolunteer na mag ayos sa akin. I trust her. Magaling at magaganda ang taste ni Rain when it comes on make up thing. Siguro nahasa din sya dahil sa pagiging freelancer.

Kinulot nya ang buhok ko dahil ang common naman daw nung palaging naka-french twist. Nabanggit ko din iyong naging huling usapan namin ni Emoji. Wala naman naging komento si Rain pero alam kong may gusto syang itanong. Iyong kung mahal ko pa din ba si Emoji, but the truth is, hindi na. Yeah, I do missed him pero hanggang doon nalang. I'm happy with Christian now, sa kanya ko dapat ituon ang atensyon ko diba? I wanted to be a loyal girlfriend dahil first time kong maghahandle ng ganitong relationship.

I was looking at the finish product of Rain infront of the life size mirror inside her bedroom. Hmm.. not bad. I like the doe doll eye, and the pouty lips. Black ang kulay ng gown ko na may design na bulaklak. Literal na parang inukit doon sa gown. It was a tube, nakalagay sa kaliwang bahagi ang buhok ko na kulot.

Pinaikot pa ako ni Rain bago pumalakpak, hinahangaan ang ginawa nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pinaikot pa ako ni Rain bago pumalakpak, hinahangaan ang ginawa nya.

"Look like Max Collins! Bongga!"

"Huy! Maganda iyon, ayoko dun." Natawa sya sa pagsuway ko.

"Pero hindi. Seryoso, ang ganda mo. Hiyang ka sa boyfriend mo ah."

"Thank you for this, Rain."

"Aww. Ang sweet ko diba?" Niyakap nya ako. "Let's take a selfie."

Inangat nya ang cellphone nya at kinuhaan nya kami ng litrato. Pagkatapos ay ako lang mag isa.

"Post mo sa IG ha. Ang ganda mo dito, fierce." Sabi nya na halatang excited excited. "Nga pala, bakit daw hindi pwede si Christian?"

Automatikong napasimangot ako ng maalala ko kung bakit hindi sya kasama sa party though invited naman sya.

"Ay. Napasimangot."

"Eh kasi bad timing ang schedule ng photoshoot nya sa Davao. I hate his work. Bale two days pa sila doon."

"Oh, bakit hindi mo pahintuin sa pagiging photographer?"

"Ayoko. Nakikita ko naman kasing passion nya iyon. Kaya hinahayaan ko nalang, hinahayaan nya din naman ako sa gusto kong gawin so gusto kong maging patas kami."

Tumango tango si Rain at niretouch ang make up ko. Susunduin ako ni Rocky at Mark dito sa bahay nina Rain sa Pasay. Nakakahiya nga kasi matatagalan kami dahil sa pagsundo nila pero ginusto naman nila iyon kaya hinayaan ko nalang.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon