Chapter 3

7.6K 181 6
                                    

Chapter 3
OJT

Finally, approved na ang ojt ko sa Lausingco Hotels. Syempre, excited ako. Sino bang hindi?

Sa sabado ako aalis para magtungo sa may Makati kung saan nandoon ang main branch ng Lausingco Hotels. Nag usap na din kami ni Mama na kay Auntie muna ako titira pansamantala. Habang si Elizabeth ay doon sa pinsan nya.

Thursday palang pero excited na excited na ako. Todo impake na nga ako, si Mama naman ay panay ang bilin sa akin. Panay nalang din ang tango ko sa kanya.

Matapos kong mag impake ay nahiga muna ako sa kama. Inabot ko iyong cellphone sa may drawer sa tabi ko.

"'Nak, alis muna ako." Katok ni Mama.

"San ka, Ma?"

"Sa palengke. May ipapabili ka pa ba?" Umiling nalang ako. "Osya, itext mo ako kung may problema ha."

Nagthumbs up ako sa kanya at kumaway na. Pagkaalis ni Mama ay tumayo ako para bumili ng makakain ko sa labasan. Nagutom ako bigla.

Paglabas ko ng kwarto namin ni Ate ay tahimik ang buong bahay. Wala kasi si Kuya, nasa trabaho nya. Si Ate naman, ayun naghahanap daw sya ng trabaho. If I know, nasa mga kaibigan nya iyon.

Kumuha ako ng trenta pesos sa tabihan ni Mama ng pera. Hindi naman nya bilang iyon kaya okay lang. Sinipat ko muna ang suot ko sa salamin namin sa sala bago ako lumabas. Inayos ko ang shorts ko at iyong pagkakatuck-in ng low back top ko.

Pagkalabas ko sa gate namin ay syang paghipan ng malakas na hangin kaya sumabog sa mukha ko ang nakalugay kong buhok. Sinikop ko iyon at nilagay sa kaliwang balikat ko.

Tinakip ko ang isang braso ko sa bandang ulo ko bilang panangga sa init ng araw. Pasado alas tres na, pero ang init ng araw ay tirik na tirik pa. Pagkaliko ko sa kanto ay syang biglang pagdahan dahan ng lakad ko.

Napakunot ang noo ko. Ano ba ngayon? Thursday? Teka, bakit nandito si Eris Jon? Palihim kong kinurot ang sarili ko. Eh, ano bang pakialam ko kung nandito sya? Wa akong kiber.

Dahan dahan talaga ang ginawa kong lakad. Huminga pa ako ng malalim at sinigurado kong wala akong pakialam sa presensya nya.

Hindi pa sya nalingon sa banda ko, nakatalikod sya at humihithit sa vape nya. From the looks of him habang nakatalikod ay hindi ko maiwasang punahin ang bulto ng katawan nya. Hindi ito sobrang taba, hindi din sobrang payat. Kumbaga, katamtaman lang. From his broad shoulders down to his bicpes na talagang nag uumigting kapag gagalaw sya. Ang buhok nyang medyo magulo gulo.

So far, gusto ko talaga ang itsura nya ngayon kesa noon na, mukhang hiphop na jeje. Natawa ako sa naisip ko dahilan ng pagsulyap nya sa bandang likod nya at nagtama nga ang paningin namin.

I harshly swallowed before avoiding his eyes gaze. Kahit hindi na ako nakatingin sa kanya I can almost feel him smirking. Gaaah!

Saktong tumapat ako sa kanya ay syang pagbuga nya ng usok mula sa paghithit ng vape nya. Sumabog ang amoy ng strawberry flavored sa akin. Agad ko syang sinamaan ng tingin dahil alam kong sinadya nya.

He softly chuckled after recieving my death sharp glare.

"Ang suplada talaga..." He murmured pero kinig na kinig ko.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa labasan. Tumawid ako at nagtungo sa stall kung saan nakakabili ng siopao or di kaya'y siomai.

Bumili ako ng isang malaking siopao at dalawang maliit. Pagkatapos kong bayaran iyon ay umamba na akong tatawid. Kinagatan ko muna iyong isang maliit na siopao bago tuluyang tumawid.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon