Chapter 22

4.7K 121 3
                                    

Chapter 22
Pag-uusap

Pagmulat ko, bumungad sa akin si Ate.

"Sinag, fix yourself. Nandyan ang mga Lausingco. Gusto nilang makipag usap."

Kulang ang sabihing kamuntikan na akong mahulog sa kama. Whaat? What? It's been three days since that incident, ang akala ko pa naman tuluyan na nila akong hahayaang buhayin ang bata ng kami lang ng pamilya ko.

Nakaalis na si Ate sa kwarto ko pero heto ako't nakahilata pa. Hindi ko kasi alam kung lalabas ako. Eh kung magkunwari nalang kaya akong masama ang pakiramdam para may dahilan akong makawala sa kanila? Godness!

Tumayo ako at agad na nakaramdam ng hilo. Buti naman at nakikisama ang anak ko sa akin.

Hihiga na sana uli ako kaya lang kumatok na naman si Ate. Napairap nalang ako. Sinuklay ko ang buhok ko at hinagilap ang tsinelas ko.

Ni hindi ko na inabalang sumilip sa salamin. They won't mind naman sa itsura ko, diba?

Tahimik sa buong bahay ng makalabas ako sa kwarto. Huminga ako ng malalim. Nagtalo pa ang isip ko kung bababa ako, pero kailangan ko pa din silang harapin.

I didn't bother fixing myself before heading down. Kumpleto ang Lausingco, habang kaharap si Mama at Papa.

Nasapo ko ang noo ko. Diba bawal ako mastress? So bakit nandito sila lahat? Si Emoji ang napalingon sa direksyon ko at agad na napatayo. Inilingan ko sya dahil nagtangka syang lumapit sa akin. Kitang kita ko ang mapanuring mata ng kapatid nyang babae. Nginisian nya ako sabay iling, nagkibit balikat nalang ako.

"Anak, pag usapan daw natin ang pagbubuntis mo." Ani Mama.

Pinasadahan ko sila ng tingin lahat. Lumapit ako kay Emoji, nagulat pa sya dahil sa ginawa kong paglapit.

Hinila ko si Emoji patayo at dinala sa kusina.

"Dalhin mo na pauwi iyang pamilya mo. Ayokong makipag usap."

He shoot me death glare,

"No. We will talk. That's a Lausingco, remember?

"Huy, bawal ako mastress diba?"

Seryoso ang paninitig nya sa akin. Napalunok naman ako.

"Hindi naman kasi kita inoobliga dito sa bata. Kung gusto mo, panagutan mo, sustentuhan mo. Sa akin ay wala naman iyon." Sabi ko. Tinapik ko pa ang balikat nya.

Napasinghap ako sa paghuli nya sa kamay ko.

"Tapos ano? Hindi mo ipapakita ang anak ko?"

"Anong hindi? Hindi naman ako mukhang pera. Makikita mo pa din ito, hindi ko naman ipagdadamot."

Umayos sya at hinagilap ang baywang ko. Napataas ang dalawa kong kilay.

"Then, we will talk."

Tinangay nya ako pabalik sa sala kung saan magaganap ang usapan. Napabuga ako ng hangin. Inupo nya ako sa pagitan nina Mama at Papa bago sya bumalik sa tabi ng Mama nya.

Tahimik. Okay. Awkward. Paano ko ba dapat simulan ito?

"Ate.." Tawag ko kay Ate. Atubili syang lumapit sa akin.

"Hmm.." Tinaas nya ang kilay nya.

"Pahinging gatas sa tasa." Halos ibulong ko na iyon.

Tumango sya at umayos ng tayo. Paalis na sya kaya lang.

"Sapphire, gumawa ka ng juice at tinapay para sa mga bisita." Utos pa ni Papa. Napairap ako.

Bakit kaya gagawan pa ng pagkain eh aalis na din naman sila kasi walang usapang magaganap.

You're The Only One (Lausingco Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن