Chapter 28

4.3K 106 2
                                    

Chapter 28
Insecurities

"Ma, punta lang po muna kami kina Tita Merlie." Paalam ko kay Mama bago ko binuhat si Zk.

"Sige. Mag ingat kayo."

"Parang ang layo naman nung bahay nila, Ma." Natatawa kong ani.

"Mabuti nang nag iingat." Hinalikan nya si Zk sa pisngi. Agad namang sinapo ng anak ko ang pisngi ni Mama. "Pakabait ha."

Tumango tango si Zk na para bang naiintindihan nya ang kung anong sinabi ni Mama sa kanya. Sinakbit ko ang bag kung saan laman ang mga kailangan ni Zk.

"Bye Mama!" Kinaway ko ang palad ni Zk bago kami tuluyang lumabas ng bahay.

Isang buwan ang lumipas ng dumaan ang birthday ni Zk. At ngayon, papunta kami sa mga Lausingco para bumisita. Lately kasi hindi ako pumupunta doon dahil naiilang pa din sa nangyari. Kahit nasa bahay si Emoji nitong mga nakaraang araw ay ilag ako. Pero kampante naman ako dahil nandoon si Mama, wala syang gagawing kababalaghan.

"Bumibigat ka na, nak." Sabi ko sa kanya habang humihingal.

Inayos ko ang pagkakasuot ng sumbrelo nya panangga sa init. Zk was just giggling.

"Ang bilis mo lumaki. Hays."

"Mama! Mama! Mama!" Aniya habang pumapalakpak.

Lumiko ako sa kanto at lumakad na bago ko natanaw ang bahay ng mga Lausingco. Nakabukas na ang gate at nakaabang sa amin si Tita Merlie. Kumaway sya kaya nagkakawag si Zk sa pagkakabuhat ko.

Nang malapit na kami ay binaba ko sya at hinayaang lumakad palapit kay Tita Merlie. Malawak naman ang ngiti ni Tita nang salubungin nya ng yakap si Zk.

"Buti naman at pinaunlakan mo na ako." Aniya. Nagmano ako sa kanya at humalik sa pisngi.

"May inasikaso lang po ako, Tita."

Binuhat nya si Zk at hinawakan ako sa kamay. Nagpaanad ako sa paghila nya sa akin papasok. Sinalubong kami ng isa sa kasambahay doon at kinuha ang bag na dala ko.

"Ako nalang po."

"Sige na, ibigay mo na Sinag." Ani Tita. "Pakidala sa kwarto ni Ej. Salamat."

Nginitian ko iyong kasambahay at maingat na inabot sa kanya iyong bag. Tumungo sya bago naunang pumasok sa loob. Kaagad na nilapag ni Tita si Zk sa playmat na nakalatag sa living room. Humagikhik si Zk nang mas nakita ang mga laruan na nakakalat doon.

He looked at me and pointed at the toys. Naupo naman ako sa sofa doon.

"Nqgpaluto ako ng tanghalian. Anong sabi ng Mama mo?"

"Ayos lang po na bumisita kami dito. Nagsasawa na daw po sya sa kakulitan ni Zk." Sagot ko habang natatawa. "Kayo lang po ang tao dito?"

"Ano pa nga ba. Buti pinuntahan nyo ko dito. Para naman hindi nakakainip."

Parang nabunutan naman ako ng tinik ng malamang wala si Emoji dito. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko.

Tumulong ako sa paghahanda ng pananghalian kahit na sinasaway ako ni Tita. But I kept on insisting. Pagkatapos kumain ay pinatulog ko muna si Zk, hinayaan naman kami ni Tita na doon sa kwarto ni Emoji tumuloy. Iidlip lang daw muna sya para may energy mamaya kung sakaling magising na si Zk at maglalaro sila.

Sinayaw sayaw ko si Zk para tuluyan ng makatulog. Mabilis naman syang dinapuan ng antok at nang mangyari iyon ay hiniga ko sya sa gitna ng kama ni Emoji. Hindi ko naiwasang mapapikit dahil amoy na amoy ko ang natural na amoy ni Emoji sa buong bedsheet.

Bumuntong hininga ako at pinalibutan ng unan si Zk dahil malikot itong matulog. Baka malaglag pa sa kama.

Nang masiguro kong ayos na sya ay nahiga ako sa dulo ng kama at kinuha ang phone ko. Pagkapindot ko ng lock button ay may isang unread message.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now