Chapter 25

4.8K 116 16
                                    

Chapter 25
Zachary Kristian

"Wala ka na bang nalimutan?" Marahang tanong ni Emoji sa akin.

Umiling ako at pinuyod ang buhok ko. Sa mahigit tatlong linggo kong pamamalagi dito sa hospital ay uuwi na kami ni ZK. Natagalan ng konti kasi may ginawang test sa kanya. Kinabahan ako kung ano iyon, sabi lang ng doktora ay may posibilidad daw na baka mabingi iyong isa tenga ni ZK. Hindi ako alam kung bakit, wala akong naintindihan masyado sa sinasabi ng doktora. Si Ej na ang kausap nya tungkol doon.

Pero hindi pa daw sigurado kung mangyayari nga, antayin daw kapag tumungtung na si ZK sa edad na limang taon.

Kami ni Ej ang naiwan dito sa kwarto. Sina Mama at Tita Merlie na ang nagpresintang sumundo kay ZK. Pinayagan ko nalang dahil sabik na sabik sila kay ZK, kitang kita naman.

Tahimik akong naupo sa kama. Bumuntong hininga naman ako.

"Are you okay?"

Nilingon ko si Ej. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Hindi ko lang lubos maisip na baka magkaroon ng kumplikado si ZK. Wala pa man, naaawa na ako sa anak ko." Pag amin ko. Umupo sya sa tabi ko.

"Hindi mangyayari iyon. Healthy si ZK, huwag mo nang isipin iyon."

Bumukas ang pinto at pumasok sina Mama. Pareho silang hindi mahiwalay kay ZK. Pagkatapos ay nagbayad na kami at umalis na.

Nangingiti ako habang pinagmamasdan ko sina Mama at Tita Merlie sa likod ng sasakyan. Hindi kasi sila maawat sa paglalaro kay ZK. Kandong sya ni Tita habang panay na nilalaro ni Mama.

Maya maya pa ay huminto na ang sasakyan nya sa tapat ng bahay. Sinilip ko ang labas at nakitang wala naman masyadong tao. Hanggang ngayon kasi ay kokonti palang ang nakaalam na nagbuntis ako, at hindi nila alam na si Ej ang ama.

Bumaba ako sa sasakyan at binuksan ang back seat. Malungkot na inabot sa akin ni Tita Merlie si ZK. Bumaba na din si Mama at inabot ang bag kay Ej.

"ZK, mamimiss ka ni Mamita." Hinalikan pa ni Tita ang anak ko. "Sinag, hija... bisita ka sa bahay ha. Para naman nakikita ko si ZK."

"Opo, Tita. Maraming salamat po pala."

Hinalikan nya ako sa pisngi at lumipat sa fronst seat. Kumaway ako sa kanila at pumasok na sa loob. Halos matawa ako kasi may mini confeti pa si Ate, habang si Kuya ay agad na hiniram si ZK sa bisig ko.

"Salamat dito. Nag abala pa kayo."

Sabay nilang ginulo ang buhok ko na kinainis ko.

"Aysus. Wala iyon." Ani Ate.

"Hindi palang talaga kami makapaniwala na naunahan mo pa kaming magbigay ng apo kay Mama." Kumento ni Kuya. Kinurot ko sya sa tagiliran nya.

"Tama na iyan. Kumain na tayo, pagkatapos ay hayaan nyong magpahinga muna iyang mag-ina." Sabi ni Mama mula sa kusina.

Tumalima kami sa utos nya at agad na pumunta sa kusina para magsalo salo sa pagkain.

Panay lang akong nakatitig kay ZK. Hindi pa din nagsisink in sa akin na nanganak na ko. Kapag nahahawakan ko si ZK, Natatakot ako na baka mamaya may maling mahawakan ako. Tapos mabalian sya. Natatakot din ako kapag papalitan ko sya ng damit o kaya lampin.

Isang linggo na kami sa bahay at aaminin kong may times na umiiyak nalang ako kasi hindi ko alam ang gagawin, lalo na kapag wala si Mama. Sya kasi ang tumutulong sa akin kay ZK.

Puyat din ako kasi minsan nagigising sya ng dis oras ng gabi at iiyak. Matataranta ako at kakatok sa pinto ni Mama. Hanggang sa doon na kami makatulog ni ZK sa kwarto ni Mama. Si Ate naman ang katulong ko sa pag aayos ng mga gamit. Si Kuya, binigyan nya ako ng set ng damit at lampin ni ZK.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now