Chapter 23

4.5K 99 5
                                    

Chapter 23
Paglilihi

Nakatanga ako kay Emoji habang nilalapag nya ang mga dala nyang pagkain sa lamesa. Tinext ko talaga sya para sabihing gusto ko ng ganitong pagkain. Iba iba ang dala nya.

Dalawang buwan na ang tiyan ko. Sp far, thankful ako na hindi na masyadong inoopen up ng parents nya ang tungkol sa kasal. Siguro nakuntento nalang din sila na ganito nalang. Ang sa akin, hindi ko naman ipagdadamot ang bata.

Sa nakalipas na mga araw, ayaw ko man aminin pero hinahanap hanap ko ang presensya ni Emoji. Sabi ni Mama, sya daw pianglilihihan ko bukas sa pineapple bits na nasa lata. Hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ako nakakakain noon.

"May check up ka ngayon?" Tanong nya.

Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi na din ako masyadong naglalalabas ngayon, baka matsismis ako. Iniiwasan ko lang ang mga mapanghusgang mata ng mga tao. Though hindi pa naman gaanong halata ang tiyan ko dahil kokonti palang ang nakaalam.

Matapos kong kumain ay agad kaming nagpunta sa doctor para sa check up. Sinabi lang ang mga bawal sa akin at ang mga dapat kainin ko.

"And pwede pa din naman kayong magtalik. Mas mapapadali iyon kapag nanganak ka na."

Muntik na akong mabulunan sa sinabi ng OB. Namula pa ata ang pisngi ko, habang si Emoji ay tipid lamang na ngumiti at nagpaalam na babalik kami next month para sa panibagong check up.

Habang nasa pick up kami ay ramdam ko ang awkward dahil sa sinabi ng doctor. Klinaro ko naman na wala kaming relasyon at pawang magkaibigan lang na aksidenteng nakabuo ng bata. Tumango lang iyong doctor.

"May gusto kang kainin?" Tanong nya.

"Pineapple bits."

"Kakakain mo lang kanina ah." Aniya.

Tinapik ko ang tiyan ko. "Sisihin mo tong nasa tiyan ko."

Sa huli, wala naman syang nagawa kundi ang bilhan ako ng Pineapple na nasa lata. Tuwang tuwa ako ng makauwi kami, at agad na nilantakan iyon.

Pinauwi ko na din sya kasi naalibadbaran ako bigla sa mukha nya. Di ko alam, pero dala siguro ng pagbubuntis.

Kinagabihan, tulog na sa buong bahay nang maalimpungatan ako dahil humilab ang tiyan ko. Masyado atang madami ang nakain ko kanina kaya ganoon.

Tumayo ako pero halos mapaiyak ako dahil sa sakit ng tiyan ko. Ayoko namang makaistorbo kina Mama pero masakit talaga.

Palabas na sana ako ng kwarto ko kaya lang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makita kong si Emoji iyon ay agad kong sinagot ang tawag.

Di ko sadya pero napaiyak ako pagsagot ko.

"H-hello."

[Anong nangyari?]

"Masakit tiyan ko."

[Sabi na parang may masama akong kutob. Gusto mong dalhin kita sa hospital?]

"Ayoko."

[Punta ako jan. Uminom ka ng gatas para mawala ang sakit.]

Binaba ko na ang tawag. Huminga ako ng malalim at lumabas ng kawarto. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Hinipan ko iyon dahil medyo mainit.

Alinlangan pa ako nang may kumatok dahil baka ibang tao at hindi si Emoji.

"Sinag, si Ej to."

Binuksan ko ang pinto. Nabungadan ko si Emoji na nakasandong puti at boxer lang.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now