Chapter 12

4.9K 97 3
                                    

Chapter 12
Missing in action

Maaga akong pumasok sa ojt that day. Well, I'm a bit excited to see Emoji, at hindi ko na ipagkakaila iyon. Nakapagpalit na ako ng unifrom ko pang ojt.

Then I started my daily routine. It was quite a busy day today but I won't mind.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Pagkabukas niyon ay agad akong lumabas at lumakad. Patapos na ang shift ko kaya't hahanapin ko na si Eli at magpapaalam na sa kanya.

Nahinto lang ako sa paglalakad ng makita ko si Emoji. Patapos na ang araw pero ngayon ko palang syang nakita. May mga kausap syang sa tingin ko ay mabibigat na tao, at sa tabi nya ay iyong secretary nyang aligaga na sa mga gagawin.

He was too busy to notice me. Hanggang sa magsara na ang pintuan ng elevator ay nakatingin pa din ako doon. Kundi lang ako sadyang binangga ni Eli, hindi pa ako matatauhan.

Inirapan ko sya. Tinawanan lang ako ng bruha at inaya ng magpalit ng damit. Sabay kaming umuwi nang gabing iyon.

Nagpapahinga na ako pero ang isipan ko ay tila parang lumilipad. Paulit ulit din akong sumisilip sa cellphone ko kasi hindi nag oonline si Emoji. Maybe he's really busy, thou?

Kinabukasan ay maaga uli akong pumasok. Panay nga ang asar sa akin ni Eli. Hindi ko nalang sya binigyan ng pansin.

Pinanuod ko ang mala-model na paglalakad ni Shaira papasok sa hotel. Suot ang pulang dress na umabot hanggang sa gitna ng hita nya ang haba at ang baba ng neck line na halos lumuwa ang suso nya. Naningkit ang mata ko, bakit nandito na naman ang haliparot na ito?

Dumiretso sya sa reception desk. At talagang binatayan ko ang pagkilos nya. Tumango sya at ngumiti doon sa babae pagkatapos ay umalis na.

Namilog ang mata ko, bakit umalis na sya? Hindi ba sya tataas para landiin si Emoji? Teka, bakit?

"Talagang binantayan mo si Shaira no?" Rinig ko si Eli sa tabi ko.

"Hindi."

"Asus. Ano daw? Nagtaas na ba?"

"Umalis na." Sagot ko. Ngumisi naman si Eli.

"Hindi daw binabantayan." Humalakhak pa ang bruha.

"Tss. Bumalik ka na nga sa ginagawa mo."

"So, hindi umakyat? Ibig sabihin wala si Sir Emoji sa opisina nya?"

Kumibit balikat ako. "Malay ko ba."

Tumawa na naman ang bruha kaya iniwan ko nalang sya doon at nagpakabusy nalang baka mamaya ay masita pa ako.

Aaminin kong buong maghapon akong naghintay kay Emoji. At nakakainis kasi hindi ko dapat sya pinaghihintay ng ganito. Ang kaso hindi ko na sya nakita pa uli, baka may pinuntahang meeting sa Makati? Ewan.

"Kanin pa neng."

Natawa na umiling ako kay Uncle.

"Ayoko na. Medyo lumulobo na ako."

"Aba, eh ganito talaga dito."

"Sasabihin sayo pag uwi mo ate," ani Liam. "Sinag, bakit ang taba mo na?"

"Uy grabe! Tumaba ba talaga ako?"

"Tinatanong pa ba yan, Pamangkin?"

Ngumuso ako kay Auntie. Matapos namin kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas ng pinggan.

Humiga na ako sa kama ko pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin. Pumikit ako at nagpasyang matulog nalang pero agad din akong napamulat at natuksong buksan ang cellphone ko. Nagscroll lang naman ako sa wall ko sa facebook. Walang bago.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now