Chapter 26

4.7K 115 7
                                    

Chapter 26
Binyagan

Mabilis lumipas ang araw. Hands on parents kami ni Emoji kay Zk. Nakakatuwa dahil pinagaaralan na ni Zk ang paglalakad. He was mumbling words too. Hindi mapuknat ang ngiti ko sa labi.

I never expected that having a son would this be great.

Malapit na mag one year old si Zk at isasabay na din ang binyag nya. Gusto ko sana simple lang, but Emoji insisted that it should be a big party. Well, Zk is the first grandchild of Mr. And Mrs. Lausingco. Malaking apelyido ang nakadikit kay Zk kaya dapat daw ibigay ang best para sa kanya.

Napagdesisyunan namin ni Ej na hati kami sa gagawin. Ako ang mag aasikaso sa binyag ni Zk tapos sya sa birthday party. Mabilis kumilos ang oras dahil next week na gaganapin ang dalawang selebrasyon na iyon.

Matapos kong dumaan sa simbahan para iconfirm na ang lahat ay dumiretso ako sa mall para magrocery ng mga gamit na kailangan. Hindi ko na naman naging problema ang damit ni Zk dahil si Kuya na ang bumili noon.

"Sinag?"

Nahinto ang pagkuha ko ng cookies dahil sa tumawag sa akin. I looked around and saw Bryan. Napakurap kurap pa ako.

"Hi." He smiled.

"Uh, hi. You alone?"

Kinamot nya iyong tenga nya. He's one of Emoji's friends. Nagkausap na kami once, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang.

"You can say that. How are you?" Aniya. "I heard you have child with Ej?"

"Ah. Oo. He's Zachary Kristian." Napangiti ako. "Magbibirthday na din sya."

"Kita mo nga naman. Ang bilis ng araw no? Parang iyong nagkausap lang kami ni Ej noon, sabi nya buntis ka palang daw."

Tumango ako at dinampot na iyong cookies.

"Anyway, wala ka na bang gagawin pagkatapos dito?" Bigla nyang sabi.

"Wala na. Bakit?"

He smiled again. "Can I treat you for lunch?"

"Hoy. Baka naman makaistorbo ako sayo."

Bryan chuckled. "Hindi. I'm not busy. So?"

"Kkb nalang. Nahihiya ako."

"No. I insist."

"Sige. Salamat."

Sinamahan nya ako hanggang sa matapos akong maggrocery. Nag uusap din naman kami, kinakamusta ko sya. Simula kasi noong mabuntis ako, hininto ko na ang pakikipag usap sa kanya through chat.

"Anong pinagkakaabalahan mo?" Tanong ko nang maupo kami sa mga tables.

Dito nya ako dinala sa isang fastfood chain.

"I do models for part time, actually."

"Wow. So natupad ang gusto mo?"

Mayabang syang kumibit balikat. "Sort of."

"Hindi na din ako magugulat. Well, you have the looks. Good for you." Sumimsim ako sa pineapple juice ko.

"How 'bout you? What did you do?"

"Sa ngayon, wala pa. Simula kasi ng manganak ako, hindi na muna ako pinagtrabaho ni Mama. Tyaka nalang daw since habol pa sa akin si Zk." Sabi ko at sumubo sa pagkain. "Ahm, I'm sorry."

Kumunot ang noo nya. "For what?"

"Alam mo na. Kasi nagpabuntis ako kay Ej. Eventhough I know his reputation."

"It doesn't mind. Matagal ko ng alam na may namamagitan sainyo. So, I won't judge. Ganyan naman talaga ang buhay." I feel his sincerity.

"But still. Medyo nahiya ako, since kaibigan ka ni Ej. Pero hindi ako nagsisisi na dumating sa buhay ko si Zk." Sabi ko pa. "Well, you should meet him personally."

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now