Chapter 27

4.5K 104 13
                                    

Chapter 27
Friends

The party went well. Alive na alive si Zk, he really love attentions. Buhat buhat lang sya ni Emoji habang pinapanuod namin ang hired magician. Zk will clapped his hands as if he understands what's happening.

"Ang bulaklak na ito ay para sa magandang Mommy ni Baby Zk." Inabot sa akin nung magician iyong plastic na bulaklak. I smiled.

"Thank you." Zk caress my cheeks. Nginitian ko ang anak ko na bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha nya.

"Palakpakan naman natin ang happy family."

Hilaw na ngiti ang ginawad ko dahil sa sinabi ng magician. Are we look lile happy family?

Matapos ng mga games at kung ano ano pa ay hinand ang malaking cake ni Zk para sa pagblow nya. Hindi na nga sya mapakali sa bisig ni Ej ng makita ang cake. Sinindihan ko ang isang kandila.

Everyone sings Happy Birthday song for my Zk. Ginaya nya nga ang ginawang pagpalakpak ng nga taong nakapalibot sa kanya. He's really fond in attention, typically Lausingco.

"Hep! Dapat magwish muna ang Mommy at Daddy since hindi pa kaya ni Baby Zk iyon." Ani Rain.

I laughed. Inabot nya sa akin ang mic, naiiling na tinanggap ko iyon.

"Hi anak, Alam kong hindi mo pa masyadong naiintindihan ang sinasabi ko pero ang saya ko ng dumating ka sa buhay ko. I love you anak, huwag mong kalilimutan iyon. Sana lumaki kang mabait." Hinalikan ko ang pisngi ni Zk na nakatitig sa akin.

Binalingan ko si Emoji na nakatitig sa akin. He smiled. Inilapit ko sa kanya iyong mic.

"Zk, you're the only one I wanted to be with since you came into our lives. You changed me and I love you for that. I love you, anak. I'm not regretting everything anak. Thank you for making me happy. Happy birthday." Suminghot pa si Ej na hindi ko inaasahang makikita ko sa kanya. He kissed Zk's forehead.

Sabay sabay kaming tatlo na hinipan ang isang kandila sa malaking cake. Pumalakpak ako. Lumapit naman ang mga kasambahay para ipaggayat ng cake ang mga bata at mga bisita.

"Ako na kay Zk. Magpalit ka muna ng damit, pawisan ka na." Sabi ko kay Ej.

"Mamaya na."

"Masama matuyuan ng pawis. Sige na, papatulugin ko na din ito at kanina pa kinukusot ang mata nya." Pagpupumilit ko.

Humikab si Zk at inaabot ako. Bumuntong hininga si Emojibat inabot sa akin si Zk.

"Ej, we've been looking for you. May gustong kumausap sayo." Biglang sulpot ni Tita Merlie. She smiled at me. "Excuse me for a second, Sinag."

"It's okay po, Tita."

"Ma, maliligo lang ako. I'm sweating."

"Mamaya na. This is important."

Napakamot si Ej sa ulo nya at sumunod na sa Mama nya. Hinele ko naman si Zk, panay na din ang hikab nya.

"Ma'am Sinag, ito po ang cake oh." May isang kasambahay na nag abot sa akin ng pinggang may lamang cake.

"Ay salamat."

Kinuha ko iyong pinggan gamit ang isa kong kamay at hinana ng mata ko ang pwesto nila Eli. Nang mahagip ko iyon ay agad kong tinungo.

"Uy si Baby Zk!" Eli shrieked. Nagulat si Zk.

"Ssh! Ang ingay mo talaga, kita mong inaantok ni baby pogi." Saway ni Rain sa kanya. "Haggard na."

"Bumibigat na kasi si Zk."

"Oh! Asan si Emoji? Ipabuhat mo sa kanya." Ani Eli.

"Hinayaan ko na muna. Kanina pa din naman nya buhat si Zk, napapagod din naman iyon." Sabay subo ko sa cake. Inumangan ko si Zk sa bibig pero umiling sya at sumubsub sa leeg ko.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now