Chapter 4

6.4K 148 1
                                    

Chapter 4
Chat Heads

Eight o'clock ang call time ng ojt ko. Alas sais palang gising na ko. Napangiti pa nga ako dahil nabungadan ko si Auntie sa kusina.

Tumikhim ako. Nilingon nya ako at nginitian.

"Magandang umaga!" Bati ko sa kanya.

"Maupo ka na at malapit nang matapos na ito."

Tumango ako at naupo na sa dinning table doon. Hindi nagtagal ay pumasok na din sa kusina si Uncle na kasunod si Liam.

Sabay sabay kaming kumain ng almusal at pagkatapos ay si Auntie na din ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Agad naman akong nagready para sa pang-ojt ko.

Ngayon palang ibibigay ang uniform namin para sa Hotel. Nagsuot lang ako ng denim skirt na umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod ko, at isang dark green v neck na tshirt. Tinuck-in ko iyon at nilugay ang mamasa masa ko pang buhok.

Seven thirty ay bumibiyahe na ako papunta sa Lausingco Hotels. Nakatanggap din ako ng text galing kay Eli na papunta na din daw sya.

Hindi naman ako nahirapan at agad akong nakarating sa Lausingco Hotels. Tulad nung una kong punta dito ay talagang kulang nalang ay malaglag ang panga ko sa pagkamangha ng Hotel na ito. Sinalubong ako ng isang babae, iyong babae na nakita kong kasama ni Ej noong nakita ko sya kahapon.

Nginitian nya ako at inabot ang magiging uniform ko. Base sa calculate ko, dapat alam at masterl namin ang ginagawa nilang lahat.

Pinagpagan ko ang laylayan ng pencil cut skirt na suot ko. Umabot nang hanggang ibabaw ng tuhod ko -- one inch. Maroon ang kulay niyon at ang pang itaas naman ay simple lang na nay halong kulay itim sa may bandang butunes at sa may laylayan ng manggas. May maliit na handkerchief na kulay itim ang nakapulupot sa may bandang leegan ko. I tied my hair into a clean cut french twist.

I took a deep breath right after fixing myself.

Lumabas na ako ng locker room at nakita ko ang ibang intern dito na halos schoolmate ko ang lahat. Busy na sila sa ginagawanilang mga assign task.

Inayos ko ang buhok ko at lumakad na papunta sa fifteen floor para sa gagawin ko. Sa ngayon, focus muna ako sa kung paano ang housekeeping ng bawat floor ng Hotel.

"Sinag! Sinag!"

Napahinto ako sa ginawang paghakbang nang maulingan ko ang pagtawag ni Capri sa akin. Isa sa mga kaklase ko na intern din dito.

"Oh, bakit?"

"Ano, nakalimutan kong sabihin sayo na iyong name plate mo ay nasa opisina pa ni Sir Earl. Hindi ko na nakuha kasi nagmamadali na din ako."

Sinaluduhan ko sya. "Ako na ang kukuha. Salamat."

"Oh sya. Magtutungo na ako sa Restaurant."

Pinagmasdan ko sya. Hindi na tuloy ako makapag intay na sa Restaurant naman mapunta. Kung bakit ba naman kasi na ang nakuha kong una ay sa house keeping more like room keeping service.

Ganito ba kahirap ang ojt?

Inayos ko ang postura ko at pinagpatuloy na ang paglalakad. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang mismong opisina ni Sir Earl.

Pagkatunog ng elevator ay lumabas na agad ako at tinungo ang double doors doon. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Nakayuko pa ako, dala ng paggalang.

"Ahm.." Tumikhim ako saglit. "Sir Earl, iyong ano po.. iyong.."

"Iyong ano, Miss Aguilar?"

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng tubig na maraming yelo nang marinig ko ang baritonong boses na iyon. Parang tanga na sinarado ko ang pinto sa likod ko. Mas niyuko ko pa ang ulo ko, nagtatalo kung haharapin ko ba sya o hindi.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now