Chapter 16

5K 109 6
                                    

Chapter 16
Stop

Halos mataranta ako sa ginagawa ko. Paano, wala si Sir Grant dito sa opisina ngayon. Ano na? Si Sir naman kasi eh.

Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko pa ang batok ko dahil nangalay ata ako sa pagtapos noong report na pinasa sa akin para ipakita kay Sir Grant. Kung bakit ba naman kasi ngayon nya pa naisipang pumunta ng Lucena.

"Sinag, ayos na ba iyong pinapa-check ko sayo?"

Napaawang ang bibig ko. Ano? Ano nga ba iyon?

"Ah, t-tatapusin ko na."

"Ayos lang, hindi pa naman kailangan pero dapat ipakita mo na din kay Sir Grant para maipresent na."

Tumango nalang ako at kinagat ang pang ibaba kong labi.

"Sinag, magpahinga ka kaya muna." Naramdaman ko ang pag alala sa boses ni Jestoni.

"H-hindi. Ayos lang ako. Para pagbalik ni Sir, wala ng problema?"

"Sigurado ka? Masyado mong kinakareer."

Nagthumbs up lang ako sa kanya. Natawa sya at tinapik ng marahan ang balikat ko.

Tinuon ko ang buong attensyon ko sa trabaho na iniwan ni Sir Grant. Wala naman akong reklamo, kaya ko naman ang mga ito.

Kundi pa tutunog ang tiyan ko ay hindi ko pa maiisipang huminto muna para kumain ng tanghalian sa oras na alas tres ng hapon.

Bumuga ako ng hangin at sumandal sa swivel chair. Ngayon ko lang naramdaman ang ngalay ng leeg ko at ang pagmamanhid ng mga daliri ko. Tumayo ako para magtungo sa pantry ng opisina.

Naisipan kong magluto ng pancit canton dahil iyon lang ang stock sa cabinet. Nagtimpla na din ako ang kape at nagtoast ng wheat bread. Matapos maluto niyon ay naupo akong mag isa doon sa may lamesa. Nagpatugtug din ako sa cellphone ko para naman magkaroon ng konting ingay sa paligid ko.

It's been ten months. Sanay na akong palagi akong iniiwan ni Grant sa opisina nyang mag isa, although hindi tulad noong isang buwan ko palang dito, halos maiyak ako dahil natataranta ako sa dapat gawin, tapos ang sungit sungit pa ni Sir na akala mo ay babaeng dinadalaw lagi ng mens nya.

Day by day, nakaka-adjust na din naman ako. Nasasanay na akong bigla nalang ako sisigawan ni Sir, hindi dahil hindi ko pa tapos ang pinagagawa nya, dahil ganun daw talaga sya. Iyon ang usap usapan ng mga empleyado nya. Ang sabi pa ay iniwan daw si Sir ng dati nyang girlfriend at hindi pa nakaka-move on.

Pero lumipas ang mga araw ay nagiging maayos na uli si Sir, bihira nalang syang sumigaw at hindi na palaging galit. Haka ko nga dahil iyon kay Ma'am Amanda. Iyong teacher na naging tutor ni Matthew, hindi naman sa tsismosa pero pakiramdam ko si Ma'am Amanda iyong dating girlfriend ni Sir. Kasi, iba nyang tignan si Ma'am Amanda, iyong parang nangungulila ba. Basta ganon, tapos nagiging soft si Sir kahit galit ang mukha.

Naisip ko nga, galit lang sya pero mahal nya pa talaga si Ma'am. One time, papunta ako dapat sa bahay ni Sir Grant, pero nahinto iyon dahil narinig kong nag aaway sila. Pinagpaliban ko nalang iyon.

At ngayon, sinundan ni Sir si Ma'am Amanda sa Lucena. But it's not my story to tell. Sana lang magkaintindihan na sila, para hindi na ako nahahaggard sa mga naiwang trabaho ni Sir Grant.

Matapos kong kumain na inabot talaga ako ng halos isang oras dahil dinama ko pa ang bawat pagkain ko. Bumalik na ako sa pagtatrabaho.

Kaibigan ni Auntie iyong nagpasok sa akin dito, nagpasalamat nga ako na kahit wala akong masyadong work experience ay tinanggap ako dito, dahil siguro nakita nila na nakapag-ojt ako sa sikat na Hotel dito sa Maynila.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now