Chapter 19

4.9K 126 3
                                    

Chapter 19
Baguio

Nakatanga ako sa kisame habang mahimbing na natutulog si Emoji sa tabi ko. Hinila ko ang tshirt nya at tumayo. Lumabas ako mula sa silid nya.

Ang tahimik ng condo nya, wala man lang bakas ng kaingayan.

Sa kusina ako dumiretso para gumawa ng chocolate cup. Hindi na din naman kasi ako dinapuan ng antok matapos ng ginawa namin ni Emoji.

I know, I know that I am stupid. Ang tanga ko din para pagbigyan pa uli si Ej sa ginagawa namin. It's been three months since that happened. Nasundan pa iyon ng nasundan hanggang sa hindi ko na mabilang. Kumbaga para sa akin, ineenjoy ko lang dahil alam kong may katapusan tong katangahan ko.

Naalala ko one time nung sinabi ko ito kina Rain, halos sabunutan nila ako pero hinayaan nalang din at hindi naman daw nila buhay ito. I knkw what I'm doing, titigil ako kapag ayoko na. Kapag sya na mismo ang sumuko.

Hinipan ko ang chocolate na nasa mug ko habang mag isang nakaupo dito sa island counter nya. Maganda ang features ng buong condo pero ang lungkot ng datingan.

Pinakelaman ko na din ang cookies ni Ej sa may cabinet doon. Tinatamad akong magluto dahil pakiramdam ko naubos ang energy ko. Silly.

It was past three am, and I'm still wide awake. Iniisip ang mga ginawang desisyon sa buhay ko.

"Penny for your thoughts?" Isang baritonong boses ang nakapagpabalik sa isipan ko.

Mula sa hamba ng kusina ay nakasandal sya doon, wearing his boxers only. Magulo ang buhok nya tanda ng pagkakagising nya.

"Ang aga mo atang nagising." Sabi ko.

"Akala ko umuwi ka na eh." Lumapit sya sa akin at humila ng isang upuan.

"Baguio tayo." Anyaya ko. Kumuha sya ng cookies at sumubo.

"Kailan?" Tanong nya sabay haplos sa hita ko. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ngayon. Ano? Game?"

"Damn. May importanteng meeting ako mamayang nine." Sabi nya sabay pulupot ng braso sa baywang ko. "How about this afternoon? Magpapaalam ka pa sa Auntie mo?"

"Hmm.." Sumimsim ako sa mug. "Sigesige."

Hinawakan nya ang mukha ko at hinarap sa kanya. Tinaasan ko sya ng kilay.

"What?"

Inusli nya ang labi nya at dinantay sa labi ko. Natawa ako sa ginawa nya. Kumunot naman ang noo nya at tuluyan na akong hinalikan, masyado pang maaga para lumandi, Ej.

I sneeze right after the kiss.

"Sorry, ang lamig kasi dito."

"Gusto mong painitin natin?" Bulong nya sa malanding boses.

Hinampas ko ang bibig nya. Tinulak ko sya palayo sa akin.

"Pagluto mo nalang ako ng almusal. Gooooo!"

Ngumuso sya. "Sinag. I'm not your maid."

"Yes you are. Bilis." Tinapik ko pa ang tiyan ko. "I'm hungry. Hindi sapat ang cookies lang."

"Pero ikaw ang gusto kong kainin." Sinabayan nya iyon ng kindat. Pinakitaan ko lang sya ng middle finger.

Sa huli, wala naman syang nagawa kundi ang magluto nga ng almusal namin. Tulad ng dati, panay lang kaming nagkekwentuhan. Nauna akong matapos sa kanya kumain kaya mabilis akong nagtungo sa banyo para maligo.

Bihis na ako ng pumasok sya sa kwarto nya. Pero ang walanghiya, sa harapan ko ba naman naghubad. Tinaasan ko lang uli sya ng kilay, I'm used to it anyway.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now