Chapter 18

4.8K 111 8
                                    

Chapter 18
Friend

Kagat kagat ko ang pang ibaba kong labi habang lulan kami ng pick up nya. Ihahatid nya daw ako sa bahay kahit anong pigil ko. Ewan ko, na-a-awkward ako eh.

Matapos nang nangyari sa amin ewan ko kung magiging okay pa ba kami sa isa't isa. Natatakot din ako na baka hanap hanapin ko sya. Ugh!

Kinalas ko agad ang seatbelt ko pagkatigil ng pick up sa tapat ng bahay. Bumilang pa ako sa isipan ko bago ako magpaalam sa kanya, kaya lang hinawakan nya ang kamay ko.

"Sinag?"

"Ahm, ano. Huwag kang mag alala, hindi naman ako maghahabol sayo. We can still be friends." Mabilis kong sabi.

"Sorry."

Parang nagunaw ang mundo ko. He was sorry?

"Ayos lang, g-ginusto naman natin pareho." Lumunok ako. "Ano, baba na ko. Salamat sa paghatid. Ingat ka."

Hindi ko na sya inantay sumagot, at mabilis akong bumaba. Napabuga ako ng marahas na hangin. So this is my consequence? Shocks! Ikaw lang Sinag ang kilala kong sumugod sa laban na walang dalang armas!

Hindi na din ako halos makatulog nang nahiga ako sa kama. Panay kasing pumapasok sa isipan ko ang nangyari, nakita ko nalang na gising na si Auntie kaya bumangon na ako para bumili ng pandesal.

Kumatok ako sa bahay nila.

"Oh, maaga ka ata nagising?" Humihikab pa si Auntie.

Pumasok na ako sa loob at sinilip ang wallclock. Pasado alas singko palang ng umaga.

"Hindi na po kasi ako makatulog." Nilapag ko ang pandesal sa lamesa. "Bumili na po ako ng pandesal, Auntie."

"Oh sya at maupo ka na, malapit ng maluto itong hotdog." Tumango ako sa sinabi nga. "Magtimpla ka na din ng kape."

Sinunod ko naman ang sinabi ni Auntie. Hindi nagtagal ay kumakain na kaming dalawa. Matapos niyon ay nagpaalam na akong maliligo na.

Medyo mahapdi pa pero keri na, kalandian mo yan Sinag. Mabagal bagal akong nagayos at saktong alas siyete nang magpaalam ako kay Auntie na aalis na.

Inabot ako ng trapik kahit anong bilis nang kilos ko. Wala na tayong magagawa, nasa pilipinas tayo.

Wala pa naman si Sir nang makarating ako sa opisina. Kaagad kong sinimulan ang mga naiwan naming dapat na gawin. I crossed my legs, dahilan para mapangiwi ako. Oh crap!

Binalewala ko nalang iyon at chineck ang mga email kung may mga meeting pa si Sir. Nanlaki pa ang mata ko at nagdalawang tingin ako kung tama bang nabasa ko na sa Lausingco Hotel gaganapin ang isang meeting ni Sir. Hindi na naman siguro ako kasama dito, kaya na ni Sir ito.

Pasado alas nuebe nakarating si Sir sa opisina. Agad kong sinabi ang mga upcoming meeting nya, panay lang ang tango nya sa akin.

"Iyong last meeting nyo sir, gusto ng client na sa Lausingco Hotels kayo magkita kasi doon daw po sya naka-check in."

Palihim kong hiniling na sana hindi ako kasama.

"Oo, sumama ka sa akin. Mabilis lang naman iyon."

Gusto kong magprotesta pero baka magalit si Sir, sa itsura pa naman nya ay parang bad mood sya. Hays, wala ka Sinag. Kasama ka, at hilingin mo na sana wala doon si Emoji.

Mabilis kumilos ang oras, at dumating na iyon sa last meeting ni Sir. Panay ang isip ko ng dahilan para hindi ako makasama pero heto, lulan ako ng sasakyan ni Sir.

"Paki-check kung dala natin lahat ng kailangan." Ani Sir habang nililiko ang stering wheel.

Mula sa folder ay sinilip ko ang laman niyon. Kumpleto naman kaya nag-thumbs up ako kay Sir.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon