Chapter 11

5.1K 111 2
                                    

Chapter 11
Tanga

I tried avoiding Emoji. But who am I kidding, right? Kahit anong sabi kong iiwasan ko na sya, ako pa din si Tanga na parang hilong talilong kapag nakikita sya.

Gigil na nga si Eli sa akin pero ang gulo nya din at the same time. Ipupush ako kay Emoji dahil kinikilig daw sya, kapag naman hindi nakikita si Ej, kung ano ano sinasabi. Ang gulo lang no?

Hindi ako umuwi nung weekends dahil may plano kaming gig nina Rain. Nagpaalam naman ako kay Mama at buti pumayag sya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Auntie sa akin.

"Kakain lang po sa labas."

"Kayong tatlo lang? Walang ibang lalaki?"

Tumango ako at tinapos na ang kilay ko dahil kapag si Rain ang kasama, dapat kilay is life. Daming arte.

"Mag iingat kayo doon. Magtext ka kung makakauwi ka para aabangan kita sa labas."

"Opo, thank you Auntie."

"Sige na."

Hinalikan ko ang magkabilang pisngi nya bago dinampot ang bag ko. Humabol pa si Liam ng halik sa pisngi ko.

"Ssh, ate. Bawal uminom ng madami." Aniya. Natawa naman ako doon.

Lumabas na ako dahil nagtext na sina Rain at Eli na nasa gate na sila ng subdivision. Nagmadali na ako at baka iwan pa ako ng dalawang yun.

Si Rain ang pumili ng lugar dahil madalas naman siya doon kasama ang iba nyang ka-ojt. Kumain na muna kaming tatlo sa SnR, gusto daw ni Eli doon at malaki ang chicken.

Matapos namin kumain ay agad kaming dumiretso sa Revel Bar. Ayon kay Rain, sikat na sikat daw ang bar na ito dito sa Manila. Nag alinlangan kami ni Eli nung una dahil baka mahal, pero sasagutin daw lahat ni Rain. Yayamanin kasi talaga itong babaitang ito.

Pagbaba namin ng taxi halos hindi pa kami nakakapasok mismo sa bar pero rinig na rinig na ang music dito. Wish ko lang na sana hindi mabasag ang eardrums ko. Inakaya kami ni Rain sa loob. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, marahil gawa siguro iyon ng kasabikan ko dahil first time kong makakapunta sa ganitong bar.

Panay ang bati ng ibang madadaanan namin kay Rain, sabi nya iyong iba daw ang mga ka-ojt nya at iyong iba naman ay nakilala nya lang dito sa bar.

Kaming tatlo lang iyong nakaupo sa piniling table ni Rain at hindi ko na tinanong kung magkano iyon dahil baka malula lang ako sa presyo. Si Eli naman ang pumili ng maiinom namin at pagkain na din.

"Saya dito no?" Tanong ni Rain.

"Super. Madalas ka dito?" Tanong ko matapos kong lumagok ng alak.

Di ko kilala iyong alak pero masarap na mapakla na mapait na medyo gumuguhit sa lalamunan pero ayos na yun.

"Yep. Mostly, libre lang ako. Kaya ngayon, gusto kong ilibre din kayo ni Elizabeth dahil miss na miss ko na kayo."

Kunwaring napaiyak si Eli at niyakap si Rain. Natawa naman ako at uminom nalang uli.

"Sayaw tayo!" Aya bigla ni Eli.

"Walang bantay dito?" Sabi ko.

"Ako nalang. Sige na, enjoy nyo. Tapos mamaya ako naman. Okay?" Pinagtulakan pa kami ni Rain.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama kay Eli patungo sa dance floor. Nagsimula na kaming sumayaw ni Eli, panay nga ang tawa ko sa kanya dahil sa mga moves nya. Literal na baliw talaga tong si Eli.

Sinabayan ko ang paggiling nya, akala nya ba sya lang yung magaling? Aba hindi ata ako papatalo. I closed my eyes and throw my hands up in the air as I sway my hips sensually. Kinagat ko pa ang labi ko para mas madama ko ang pagsayaw ko.

You're The Only One (Lausingco Series #1)Where stories live. Discover now