Prologue

32.7K 476 10
                                    

OBSESSION SERIES 2
Owned by a Heartless Gangster
The Gangster Obsession
⚠⚠Rated Spg⚠⚠

Prologue

"Saan mo ba ako dadalhin,Cade?"Naguguluhang tanong ni Samaya sa nobyo,kanina pa kasi ito tahimik habang nagdidrive kaya kakaiba ang nararamdaman niya. Alam niyang may mali sa ikinikilos ng Nobyo."Cade?"Tawag niya ulit dito.

Pero di pa rin siya pinapansin nito."Cade ano ba?"

"Where here!!"Malamig na sagot nito.

Maang siyang napatingin sa malaking mansion na nasa harap nila. "Anong gagawin natin dito? Kaninang bahay yan?"

"Kuta yan ng kaibigan ko,common,pakilala kita sa kanya."Seryosong saad nito.

Nagdadalawang isip na bumababa si Samaya may maling nangyayari,na mas lalong nagpakaba sa kanya.

"D-dito na lang ako!"Mahinang wika niya.

"Bababa ka dyan o bubuhatin pa kita?"Nanglilisik ang matang wika nito.

Sabi na nga ba,may kakaiba.

Napailing siya.
Nilukob ng takot ang pagkatao niya.

"Please,halika na,baka mainip si Boss Xan,mapahamak pa tayong dalawa!"

"Please,ayaw ko!"Nagmamakaawang wika ni Samaya.

"Mahal mo naman ako diba?"

Tumango siya bilang sagot. Totoo naman talaga mahal niya si Cade. Katunayan pumayag nga siyang makipaglive-in dito!

"Ano ba kasing gagawin natin sa loob? Natatakot ako."Naguguluhang tanong niya sa lalaki.

"Wala,manghihingi lang ako ng palugit!"

"Palugit? May utang ka?"

"Oo,may utang tayo sa kanya,kaya kung ano man ang gusto niya kailangan nating ibigay. Kung hindi pareho tayong mamatay!"

Nanayo ang balahibo niya sa narinig bat ba kasi nagkautang si Cade. Wala siyang ideya kung saan nito ginamit ang pera,simple lang naman kasi ang buhay nila. Tapos may trabaho naman si Samaya bilang PromoGirl sapat lang naman sa kanilang dalawa ang sahod niya. Kasalukuyan na nga silang nag-iipon para sa kasal nila.

"Bat ka nagkautang sa kanya? Magkano bang utang mo?"Lakas loob na tanong niya dito.

"Wag ka ng magtanong! Lets go,masamang paghintayin si Boss Xan!"

Walang choice na bumaba si Samaya,kahit nanghihina na siya sa sobrang kaba na nararamdaman. Isang pagkakamali lang nila maaring di na sila makalabas ng buhay sa lugar na yon.

"Be nice to him,Sam,!"

Nagtatakang napatingin siya kay Cade,sana mali ang iniisip niya.
Sana hindi yon gagawin ni Cade sa kanya.

Ilang ulit silang nagdoorbell bago may nagbukas ng gate.

"Si Boss Xan?"

"Kanina ka pa niya hinihintay Cade!"Nakakatakot na wika ng lalaking nagbukas sa kanila. Mukha itong armado na handang manakit ng kapwa.

Tumango lang si Cade saka hinila na si Samaya papasok.

Ang ganda sana ng interior ng Mansion kaso,hindi na niya magawang ilarawan dahil sa kabang bumalot sa kanya.
May balak si Cade ramdam niya. Wag naman sana.

"So,dala mo na ba ang pangbayad sa utang mo?!"Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likuran namin. Napakapit tuloy ako kay Cade ng wala sa oras.

"B-boss!"Tanging nasabi ni Cade.

Nasa harapan na nila ang tinatawag niyang Boss. Nagtama ang mga mata nila ni Samaya.
Infairness ang gwapo niya. Pero may something sa kanya na hindi maipaliwanag ni Samaya. Nakakatakot!
Puno ng misyeryo.

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon