chapter19

9.8K 246 10
                                    

Chapter19

#Selfie

#Quani

"Bihis na Sam!"Mando ko kay Samaya na kunot na kunot ang noo,"Mamasyal tayo,tapos magselfie tayo,ipakita natin kay Kuya na masaya ka na wala siya."

"Nanadya ka ba talaga ha,Quani?!"

"Teka bakit ka ba nagkakaganyan,ee wala namang kayo ni Kuya diba?"Dahil sa sinabi ko ay malakas siyang humagulhol.

"Alam ko naman yon,di mo na dapat pang ipamukha!"Sabi niya sa pagitan ng paghikbi niya.

"Mahal mo na si Kuya?"

Nag-angat siya ng tingin saka nakatulalang nakatingin sa akin.

"Mahal ko na pala siya? Mahal ko na ba siya? Minahal ko na siya?"Parang ewan na kausap nito sa sarili niya.

"Hey,stop!"Sabi ko sa kanya sabay yugyug sa balikat niya."Tama na! Mahal mo na nga si Kuya kaya ka nagkakaganyan."

"Mahal ko na siya?"Parang baliw na naman na saad nito.

Napailing na lang ako,nakakaasar na siya sa totoo lang. Para siyang baliw na ewan.

"Magbihis ka na nga lang,o baka gusto mong bihisan pa kita!"Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko."O,ano gusto mo yatang bihisan pa kita ee? Ano halika dito huhubaran na kita ng mabihisan na kita."

"Bakla ka ba?"

Malakas akong napatawa sa sinabi niya. Sabay tango saka nagsalita na parang bakla."So ano ngayon Ateng,uso naman ang bisexual sa panahon ngayon,minsan nga di muna masabi kong barako pa ba o baklush na!"

Napatutop siya sa bibig niya saka tawa ng tawa. She was so beautiful kapag masaya siya. Mabuti naman napatawa ko na siya.

"Totoo ba yan?"

Damn! This woman so naive.

Hay masakyan na nga lang."Oo na,pwede ako sa babae pwede din sa lalaki."

"Eeew,kadiri ka Quani! Alam ba yan ng mga Kuya mo?"

Hay grabe ang babaitang to,binibiro ko lang naman siya naniwala naman.

"Sa tingin mo kapag nalaman nina Kuya Xerxes at Kuya Xander matatanggap nila ako?"

"Q,hindi ko alam na may lihim ka palang itinatago."

Tsssk,nonsense ang topic na to.
Hello,Lalaking-lalaki ako!
#HINDI_ako_BAKLA

"Magbihis ka na!"Seryosong wika ko.


"Oo na,wag ka ng magalit!"Tumayo na siya mula sa pagkakahiga at nagmamadaling pumunta sa Banyo para maligo siguro,lumabas na muna ako para bigyan siya ng privacy.

Ilang minuto din akong naghintay bago siya lumabas,she was wearing tube and miniskirt na sobrang ikli. But Damn it she was so gorgeous,kahit kinulang sa tela ang suot niya di siya mukhang malaswa. Pero napaksexy niya talaga.

"Ehem! Tapos ka na bang pagnasaan ako?"

"What?"

"Halika na nga mamasyal na tayo,ang lagkit mo na kasing makatingin!"

"Diba bawal kang magsuot ng ganyan?"

"Akala ko ba maghihiganti tayo?"

"Tama nakalimutan ko,come alalayan na kita!"

Huminga muna siya ng malalim saka inabot ang nakalahad kong kamay.

"Magtatagumpay tayo Sam,sa suot mo pa lang tiyak mag-iinit na ang ulo ni Kuya!"





Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon