chapter33

9.2K 203 10
                                    

Chapter33

#MarrieD_Life

#Samaya

Ilang buwan na magmula ng makasal kami ni Xander,masasabi kong maayos naman ang naging takbo ng pagsasama namin.

Sobrang bait niya sa akin.

Ang saya ko dahil pinili kong ipaglaban siya kahit pa ang sama ng trato niya sa akin dati. Pero this past few days napapansin kong may kakaiba sa kanya,lalo nat ang laki na ng tiyan ko. Hindi ko alam,baka dala lang ng pagiging buntis ko kaya ang advance kung mag-isip minsan.

"Halimaw ko!!!!"Malakas na tili ko mula sa room. Dinig ko naman ang pagmamadali niyang makapunta sa akin. Hangos na hangos siya ng makarating sa room namin.

"Baby? Bakit?"Halata sa mukha niya ang pag-alala.

Umiling ako saka nagpipigil na wag matawa. Pano napagtripan ko lang naman siya ee.

"Ok ka lang ba? Kala ko napano ka na?"Halata pa rin sa boses niya ang panic..

"Ok lang ako!"

"Bakit ka sumisigaw? Kamuntik na akong madapa ah!"

"Nagrereklamo ka?"Parang maiiyak na wika ko.

"Hey,di naman sa ganon. Kaso wag ka ng sumigaw ng ganon."Nagpapakumbabang wika niya.

Pero makitid ang utak ko ngayon. "Bakit? Ayaw mong maistorbo sa ginagawa mo?"

"Sam!?"

Naman o,wala ng Baby!
This is it!

"Umalis ka na!"Naglalambing lang naman ako ee. Pansin ko kasi ang busy niya lately! Panay tutok siya sa laptop niya.Nagpapansin lang naman ako! Porke ba,tumataba na ako."Umalis ka na,bumalik ka na doon sa ginagawa mo!"Naiiyak na talaga ako.. Kasi naman pitong buwan na ang tiyan ko,pansin ko talaga tumataba na ako.

"Tatapusin ko na muna ang ginagawa ko,mauna ka ng matulog!"Sabi niya sabay labas na sa room namin. Naiwan naman akong nasasaktan. Di man lang niya ako,nilambing. Pinabayaan niyang may sama ako ng loob sa kanya.

Tahimik akong umiiyak,kasi naman ee. Ano ba kasing ginagawa niya.

Para akong timang na nagpapahid ng luha,saka maingat akong lumabas sa room namin. Dahan-dahan ang bawat galaw ko. Nasa living room siya nakaharap na naman sa laptop niya. Parang may kausap siya.

Pasilip-silip pa ako,nakatalikod siya sa akin kaya malaya kong nakikita ang ginagawa niya sa laptop niya.

Nanlomo ako ng makitang babae pala ang kausap niya,napahawak ako sa dibdib ko,saka sa tiyan ko,feeling ko nahihirapan akong huminga.

"May tao sa likod mo Xand!"Dinig kong wika ng babae. Agad na lumingon si Xander,huli na para umiiwas ako. Napailing na lang ako. Saka mabilis ang patak ng luha ko,kasi naman ee,parang naka-underwear lang ata yong babae.

Agad akong umalis sa kinatatayuan ko. Buong lakas akong humakbang kahit nanghihina na ang mga paa ko.

Akala ko,magiging ok na. Akala ko dahil kasal na kami hindi na siya gagawa ng kalokohan. Akala ko mahal niya ako. Akala ko lang pala yon. Mali pala ako. Nagkukunwari lang pala siya..

Nakarating na ako sa room namin pero walang Xander na sumunod. Bakit naman ganon. Kung wala na siyang gusto sa akin,sana sinabi na lang niya. Di yong ganito. Ang sakit. Ang sakit. Kung aalis ako,saan naman ako pupunta?
Tapos buntis pa ako. Ano ba kasing ginagawa niya sa harap ng babaeng yon.

#Xander

"You must follow her!"Dinig kong wika ni Trisha sa akin.

Umiling ako."Hayaan mo siya."Walang ganang sagot ko. Hindi ko alam kong anong pumasok sa kukote ko! Nawalan na ako ng ganang amuin siya. Nakakasawa na din ang pagiging clingy niya. Dati kaya ko pang sakyan ang mga trip niya,akala ko sapat na yong nararamdaman ko para sa kanya para tiisin lahat ng kabaliwan niya. Kaso nakakapagod din pala.

"Baka mapano ang asawa mo!"Sabi na naman ulit nito.

"I said,hayaan mo siya! Maglog-out ka na nga nawalan na ako ng gana sayo. Maghahanap na lang ako ng iba!"

"What happened to you? Kala ko ba,mahal mo yong babae kaya mo pinakasalan! Nanahimik ako dito Xand,dahil sinabi mong mahal mo yong babae,hindi na ako naghabol,nakontento na akong tumanggap sa sustento mo para sa anak natin!"

"Shut up!"Naiinis na wika ko,saka isinara ang Laptop sa harap ko. Nakakawalang gana. Ano nga bang nangyari sa akin? At hinayaan kong makipagchat ulit kay Trisha,isa sa mga naging babae ko dati na naanakan ko!
Yeah,I lied,may anak na ako sa ibang babae,hindi ang anak namin ni Sam ang una kong anak! Shit!
What happened to me.
Bakit ngayon pa ako nagkaganito kong kailan kasal na ako kay Sam.
Si Sam!
Baka napano na siya. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko din alam kong pano ko sasabihin na may anak na ako sa ibang babae.
Mas lalong hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya na nahumaling akong makipagchat kay Trisha,hindi lang basta chat,pinaghuhubad ko siya sa harap ko. Wala lang trip ko lang. Malaki na kasi ang tiyan ni Sam,natatakot na akong gamitin siya baka mapano yong baby. Kaya siguro nagawa kong makipagchat ulit sa ibang babae.

Ano ng gagawin ko?
Ang laki ng kasalanan ko alam ko nasaktan ko siya.

Kailangan ko tong ayusin. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo.

"Baby?"Marahang katok ang ginagawa ko,nakahinga ako ng maluwag ng hindi naman pala nakalock ang pinto."Baby?"Tulog na ba siya?

"Kailan mo pa ako niloloko?"Malamig pa sa yelo na tanong niya sa akin.

Hindi agad ako nakasagot."Kailan pa?"This time,gumaralgal na ang boses niya.

"Two months."Matipid na sagot ko. Aaminin ko hiyang-hiya ako sa ginawa ko.

"Bakit mo yon nagawa? Hindi pa ba talaga ako sapat sayo? Nagsawa ka agad?"

"Im sorry,natukso ako,Sammy. Believe me,hanggang doon lang yon. Walang physical contact."

"Mahal mo pa ba ako?"Buong tapang na tanong niya.

"Yes,Mahal na mahal kita Sam! Hindi naman nagbago yon. Natukso lang akong gawin yon."Hiyang-hiyang wika ko.

"Anong plano mo? Maghihiwalay na ba tayo? Sabihin mo lang kong di ka na masaya."

Agad akong napailing."No Sam! Im sorry,hindi ko na yon ulit gagawin."

"Hindi ko alam kong mapapatawad kita sa pananakit mong to sa akin."

Napayuko ako dahil sa sinabi niya,dahil sa kabaliwan ko,nasaktan ko siya."Dont leave me,Sam."

"Mukhang kailangan na,dont worry,madali naman sayo ang ipawalang bisa ang kasal natin. Sa tingin ko naman nabigla ka lang na pakasalan ako."

"No,Sam! No! Im sorry!"

"Sino yong babae?"

"Shes one of my Ex,Im sorry Sam,sorry,sana mapatawad mo ako,may anak ako sa kanya."

Napanganga siya sa sinabi ko,kita ko ang gulat sa mukha niya."Akala ko ba? Sinungaling ka!"

"Im sorry Sam!"Paulit-ulit na ako na parang sirang plaka.

"Kala ko ba hindi mo gagawin sa magiging  anak mo ang ginawa sayo ng Daddy mo? Kala ko ba mahahalin mo ang magiging anak mo!"

"I know Sam,nagkaroon ako ng anak sa labas,Im sorry,sorry,please patawarin mo ako. Hindi ko naman pinaramdam sa bata na kakaiba siya. Binigay ko naman lahat ng mga kailangan niya"

"Still,naglihim ka pa rin. Pwede mo namang sabihin sa akin yon. Alam mo namang maiintindihan ko! Kaya ba nakipagchat ka sa ibang babae dahil malaki na ang tiyan ko,dahil mataba na ako! Ang babaw mo!"Maluha-luhang wika niya.

"Hindi ganon yon! Umiiwas lang ako na magamit ka,natatakot akong baka masaktan kita."Nakayukong wika ko. Pero sapat nga ba na dahilan yon para saktan ko siya?
Tama siya ang babaw ko. Tapos hindi ko pa sinabi sa kanya na may anak na ako. No one knows except me,kahit si Q hindi niya alam na may anak na ako.

"Please,Sam,I'm begging you,please wag ka ng umalis,wag mo akong iwan. Hindi ko na alam kong anong mangyayari sa akin kapag nawala ka."

"Sana naisip mo yan,bago ka naglihim sa akin! Niloko mo ako ng paulit-ulit! Sana inisip mo muna kung anong mararamdaman ko!"Ayoko siyang nakikitang umiiyak,nangako ako na hindi ko siya sasaktan,pero nasaktan ko pa rin siya. Lahat ng yon dahil sa kagaguhan ko!😕😢

💔💔


Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now