chapter7

13.3K 273 2
                                    

Chapter7

#Hurt

#Samaya

Sa wakas tinantanan niya din ako,nakailang rounds muna siya bago napagod.
Pagod na pagod ako,pero masaya na rin ako kahit papano,buhay ako,hindi niya ako pinatay.

Napatingin ako kay Xander na payapang natutulog sa tabi ko.
He was like an angel kapag tulog siya.
Wag lang kapag gising siya.
Dahil lumalabas ang tunay na kulay niya.
Isa siyang halimaw!
Isa siyang nakakatakot na nilalang.

Kailan kaya ako makawala sa kanya?
Darating pa kaya ang panahon na yon?
O baka patay na ako kapag nangyari yon!

Patalikod akong humiga,nasasaktan ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
I just want a simple life pero bakit ganito kay hirap maabot.

Pagod na pagod ako pero di ako makatulog,namamahay siguro ako.
Dahan-dahan akong bumangon,sana lang may stocks dito,gusto kong uminom ng gatas.

Dahan-dahan ang bawat kilos ko ayaw ko siyang magising,pero nagulat na lang ako ng mahigpit niyang hawakan ang kamay ko.

"Where do you think youre going? Tatakasan mo  ba ako?"May diing wika niya. Napailing agad ako.
Ang talim na naman kasi ng mga tingin niya.
Parang handa siyang patayin ako.

"Saan ka pupunta?"Tanong niya ulit.

"Iinom lang ako ng gatas,sana."Mahinang sagot ko,ang higpit pa rin ng hawak niya sa wrist ko."Masakit,Xand!"Reklamo ko.

Nagulat ako ng bumangon siya,"Tara sasamahan kita!"Nauna na siyang naglakad sa akin. Naramdaman niya siguro na hindi ako nakasunod,"Akala ko ba,iinom ka ng gatas?"Kunot noong wika niya.

Tumayo ako at sumunod sa kanya.
Hindi ko napaghandaan to!

Bakit kailangang magising pa siya!
Haisst!

Nadatnan ko siyang nag-iinit na ng tubig sa heater,nakatalikod siya kaya malaya kong napagmasdan ang malapad niyang likod,wala kasi siyang pang-itaas na damit.

Napaka-perfect ng physical apprearance niya.
Hanggang doon lang yon!

"Staring is rude! Kung may plano kang patayin ako,think again Sam!"

Bakit ba palagi niya yong sinasabi,oo galit ako sa kanya. Pero wala akong plano na patayin siya.
Hindi din naman ako,mananalo sa kanya.

"Bakit mo ba palaging iniisip na papatayin kita?" Inis na tanong ko sa kanya.

He just chuckled,tapos pinatay na niya ang heater.

Pinagtimpla niya ako ng gatas.
Nasapian ba ang halimaw na ito?
Bigla na namang bumait na iwan.
Nakakalito na siya!

Umupo na ako sa harap,tapos nilagay naman niya ang cup sa harap ko,tiningnan ko lang to. Naguguluhan kasi ako sa ugali niya.

"Walang lason yan,Sam!"Mataas na naman ang boses niya. Galit na naman siya?

"Salamat!"Matipid na sagot ko.

"Tell me about yourself?"Sabi niya sabay sip sa tasang hawak niya.

Napatingin lang ako sa kanya,ang magulo niyang buhok na mas lalong nakadagdag sa appeal niya.

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now