chapter32

9.1K 195 4
                                    

Chapter32

#Reception

#Samaya

Medyo natagalan bago kami nakarating sa reception,pano naman kasi tong si Q,inatake ng kabaliwan.

"Sorry,guys,medyo nadelay ang dating namin."Mapagkumbabang hingi ng tawad ni Xander sa mga bisita.

"Its ok,Xand!"Sagot naman ni Xerxes.

Inakay na niya ako papunta sa harap,may mini program pa ata. Kaso feeling ko bigla akong nakaramdam ng pagod. Feeling ko nanghina ako bigla kaya napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Xand."Hey,Baby,are you ok?"Ang lakas talaga ng radar nitong si Xand.

Umiling ako,"Bigla akong napagod."Mahinang sagot ko sapat lang para marinig niya.

Agad niya akong pina-upo."Baka nagutom ka lang,Baby."Halata na naman sa boses nito ang pag-aalala.

"Stop worrying,mawawala din ito,umupo ka nga din muna."

Sinunod naman niya ang sinabi ko umupo siya sa tabi ko.

May mga sinasabi na ang emcee na hindi ko na masyadong pinagtutuunan ng pansin.

"Hey,Sam."Agad akong nag-angat ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses,its Cade. Malawak ko siyang nginitian.

"Hi!"Diko alam,invited pala siya. Tiningnan ko si Xander,tumango lang siya. So ininvite niya si Cade.

"Congrats,Boss Xan! Please take care of her.. Im sorry Sam,sana masaya ka na ngayon."

"Matagal na kitang napatawad Cade,actually gusto ko ding magpasalamat sayo. Sa pagdala mo sa akin kay Xand,thank you Cade,dahil dinala mo ako sa taong mahal na mahal ko ngayon."

He smiled,kahit bakas sa mukha niya ang lungkot."Im so happy for you Sammy. Salamat makakatulog na din ako ng mahimbing knowing na maayos na ang lagay mo. Congrats again."Saka umalis na ito sa harapan namin ni Xand.

"Ininvite mo siya?" Baling ko kay Xand na tahimik na kumakain.

"Yes."

"Why?"

"Kasi kung di dahil sa kanya wala ka sa tabi ko ngayon."

"Di ka na galit sa kanya?"

"Hindi na,hindi na ako galit sa mundo ngayon,Baby. Thanks to you."

"Ang corny!"

"Kain ka na!"Sabi niya sabay subo. Ang gaan na ng pakiramdam ko,naayos na ang lahat. Wala ng samaan ng loob. Napatawad ko na si Cade may magandang naidulot din naman ang ginawa niyang pagdala sa akin sa poder ni Xand.

"Are you happy,Baby?"

"Of course naman! Tara puntahan natin mga kaibigan ni Xerxes."

Tumango lang siya saka naglakad na kami papunta sa mesa ng mga kaibigan ni Xerxes.

"Congrats Xand!"Nakangiting bati ni Yleenna!

Well si Yleenna na asawa ni Xerxes lang naman ay ex din ni Xander,alam kong minahal niya din ito kahit papano.

"Sabi na sayo,ee may something sa inyo,o di kayo din!"Masayang wika ni Laureen.

Tipid lang akong ngumiti sa kanilang lahat. Lahat sila malapit kay Xand.

"So taken na kayong lahat?"Nakangiting tanong ko sa kanila.

"Nah,hindi,pa,may pambato pa kami,meron pa kaming single dito,itong si Phoenix,si Skye,at si Riffle!"Masayang kwento ni Claude.

"Well meron pa kaming bunso,si Quani! Nasaan na yon Xand,bat wala dito?"Nagtatakang tanong ni Xerxes.

"Nah,ewan ko ba sa lalaking yon,masyadong madrama!"Sagot naman ni Xander sa kapatid."So kain lang kayo ng kain diyan,enjoy the party later!"

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now