chapter30

9.6K 226 1
                                    

Chapter30

#Positive

#Samaya

Madaling araw na ng bigla na lang akong nagising,pano nasusuka ako na ewan.

Agad akong bumangon saka nagmamadaling pumunta sa banyo. Suka ako ng suka kaso wala naman akong maisuka.

"Baby ko?"Tawag ni Xander sa akin mula sa labas."Open the door! Anong nangyari sayo dyan?"Nanghihina akong tumayo para pagbuksan siya ng pinto."Hey ok ka lang? Bat ang putla mo? Ang lamig pa ng pawis mo!"Halata sa boses niya na nag-aalala siya.

"Ang sama ng pakiramdam ko."Mahinang tugon ko saka napakapit ako sa kanya.

"Teka!"Sabi niya saka binuhat niya ako papunta sa labas saka pinahiga niya ako sa kama."Hihingi ako ng tulong,gigisingin ko si Wrixie,baka alam niya kung anong nangyayari sayo!"

Mabilis akong napailing ng marinig ang pangalan ng babaeng higad na yon."Wag mong gagawin yan kong ayaw mong lumalala tong nararamdaman ko!"Naiinis na banta ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo niya,"Anong gagawin ko?"

"Gusto kong kumain ng ice cream mango flavor!"

Nanlaki mata niya sa sinabi ko,"Ice cream?"Parang di makapaniwalang wika niya.

"Oo gusto ko ng ice cream!"Parang maiiyak na wika ko"Bili moko ng ice cream!"

"Pero madaling araw pa,baka mas lalong lumalala yang pakiramdam mo!"

"Ah basta,gusto ko ng ice cream!"Matigas na wika ko.

Dinig ko ang marahas na paghinga niya."Sige hintayin mo ako dito!"Talunan na wika nito. Napangiti ako ng marinig ang sinabi niya. Yes,ibibili niya ako ng ice cream.

"Bilisan mo naman Halimaw ko!"

"Oo na!"Mabilis naman na sagot niya.

#Xander

Kakaiba ang naisip ko sa tuwing dinidilaan ni Samaya ang ice cream na kinakain niya. Hindi ko alam kong nakaisip ako ng kaberdehan ngayon. Napansin niya yata ang kakaibang tingin ko sa kanya,kaya napahinto siya sa pagdila sa ice cream na kinakain niya.

"Bat ganyan ka makatingin?"Mataray na tanong nito!

"Ha ah eh,wala!"

"Hindi yan,wala magsabi ka nga ng totoo!"Naiinis na wika na naman nito.

"Wala talaga,Baby ko,promise!"

Hindi na siya sumagot saka nagpatuloy na naman sa pagkain ng ice cream."Wag kang maghihingi di din kita bibigyan!"Masama ang tingin niya sa akin. Akala niya siguro kaya ako nakatingin kasi may balak akong manghingi!

"1.5 gallon yan,Baby ko mauubos mo yan?"Di makapaniwalang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot,nagpatuloy lang siya sa pagkain ng tingnan ko nangangalahati na ang laman.

"Hey,tama na yan,may balak ka talagang ubusin yan?"

Masama na naman siyang tumingin sa akin."Matulog ka na nga,wag mo na akong pakialaman pwede. Nagugutom ako!"Ang init ng ulo niya,gayong malamig naman yong kinakain niya.

"Sorry! Hindi na kita pakikialaman."

"Mabuti naman!"Sabi niya saka nagpatuloy sa pagkain. Tahimik na lang akong nanonood,sa kanya baka mamaya awayin na naman niya ako!

Sa wakas tapos na rin siyang kumain,muntik niyang maubos ang 1.5 gallon na ice cream,"Busog ka na Baby ko?"

Matamis niya akong nginitian saka kumandong siya sa akin."Thank you,halimaw ko!"Sabi niya sabay halik sa pisngi ko."Tara tulog na tayo!"

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now