chapter9

12.9K 275 22
                                    

Chapter9

#The_brother

#Samaya

Inabot ko ang nakalahad na kamay ni Quani napaiktad ako ng maramdamang pinisil niya ito.
Sabi na nga ba,manyak din ang lalaking to.

"Nakakabatang kapatid ako ni Xander,ikaw? Girlfriend ka ba niya?"Masaya siyang kausap,masaya ang aura niya di kagaya ni Xander madilim lagi ang mundo.

Girlfriend?
Bat ba palagi na lang akong napagkakamalang girlfriend.
Kung alam lang nila,ang saklap ng kapalaran ko sa piling ng halimaw na yon.

Hindi ko siya sinagot. Ano namang sasabihin ko na isa lang naman akong parausan ng halimaw na yon.
Mabuti pa aalis na lang ako.

"Mauna na ako sayo,Quani."Magalang na wika ko sa kanya. Kahit papano,Boss pa rin siya.

Binawi ko ang kamay ko na hawak-hawak niya. Abat!"Kamay ko!"Nakataas kilay kong saad sa kanya. Wala yata siyang balak na bitawan ang kamay ko."Ehem!"Malakas na parinig ko.

Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko."Please tell me,youre not Kuya Xand,girlfriend."Seryosong wika niya..

Ano naman bang problema ng lalaking to!

"Please,gusto ko ng magpahinga!"Madiing wika ko,sabay bawi ng malakas sa kamay ko.

Pero di niya talaga ito binibitawan. Nag-umpisa na akong mainis!

"Please,let me go! Kailangan ko ng magpahinga!"Inis na wika ko. Naalala ko kasing bawal akong magpahawak sa ibang lalaki.
Tssskkk.
Ako na naman ang sasamain nito ee.

"Im sorry,"Saka marahan niyang binitawan ang kamay ko."Gusto kitang maging kaibigan,Sam,please sana payagan mo ako!"Seryosong saad niya.

Tatango sana ako,pero naalala ko ang sinabi ni Xander wala na nga pala akong karapatan sa buhay ko.

"Pag-iisipan ko!"Nawika ko na lang saka nagmamadali na akong umalis,baka makita pa ako doon ni Xander samain pa ako lalo.
Hindi na nga maganda ang turing niya sa akin,baka mas magiging malala kong patuloy kong haharapin si Quani.

Hingal na hingal ako ng makarating sa Room ko,napasandal pa ako sa dahon ng pinto,nanghihina kasi ako.

"Saan ka galing?"Malamig na tanong ni Xander sa akin,bat siya nandito?
Kanina pa ba siya dito?
Hindi ako makasagot agad,loading na naman ako.
Pansin ko kapag siya ang kaharap ko,nagiging slow ako.
Pambihira.

"Saan ka galing!"Mas madiin na this time ang pagkakasabi niya.

Napayuko na ako,nakakatakot na naman siya."K-kumain lang ako."Nauutal na wika ko.

"Kanina pa ako dito,dammit!"Malakas na sigaw niya,yong mata niya nag-aapoy na sa galit!

Kanina pa siya dito?
Ee bakit diko siya nakitang dumaan?
Aa,baka may ibang daanan sa laki ba naman ng lugar na to.

"Sinong kinatagpo mo sa labas? Isa sa mga tauhan ko? Sabihin mo,papatayin ko!" Nanggigil na wika nito.

Nahintakutan akong napatingin sa kanya,saka napailing.
Bigla ang pagbangon ng poot sa puso ko ng maalala na nasa panganib ang buhay ni Cade.

Sa halip na sagutin siya,ay iniba ko ang usapan.

"Bakit mo yon ginawa kay Cade?"Naiiyak na tanong ko. Please,wag mo siyang hayaang mamatay!"

"What the hell!"Dumagundong na sa buong silid ang baritonong boses niya.

"Please,ipagamot mo siya promise handa akong gawin ang lahat para sayo. Wag mo lang hayaang may mangyaring masama sa kanya!"

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now