chapter34

9.5K 203 4
                                    

Chapter34

#Leaving

#Samaya

"What happened,Sam?"Nag-alalang tanong ni Q sa akin. Tahimik lang ako habang nakasandal sa upuan ng sasakyan niya. Mugtong-mugto na ang mga mata ko dahil sa kaiiyak. Kahit anong pigil kong wag maiyak dahil baka makasama sa Baby,diko pa rin mapigilan.

"Maghihiwalay na kami ni Xander."Mahinang wika ko sapat lang para marinig niya. Kainis naman ee,nanubig na naman ang mga mata ko!

"Hey,bakit? Kala ko ba mahal nyo ang isat-isa?"

Napailing ako."Hindi sapat na dahilan yon,Q para patuloy kaming magsama."Malungkot na wika ko sabay pahid sa luha ko na nag-uumpisa ng mahulog.

"Sam! Ang layo na ng narating nyo,malapit ka ng manganak di pwedeng maghihiwalay na kayo ni Kuya. Ano ba kasing nangyari? Bakit di mo sabihin para maintindihan naman kita."

"Hindi ko pa kayang pag-usapan baka sa susunod na araw na lang. Salamat ha,pinuntahan mo ako."

"Baka mapatay ako ni Kuya kapag nalaman niya na kinuha kita."

"Sorry,ibaba mo na lang ako dyan sa tabi maghahanap na lang ako ng ibang pwedeng matuluyan. May kaunting pera naman ako,maghahanap na lang muna ako ng pansamantalang matitirhan!"

Kita ko ang pagkunot ng noo niya halatang di niya nagustuhan ang narinig na sinabi ko."Tingin mo talaga hahayaan kita dyan sa gusto mo?"Naasar na wika niya.

Inismiran ko siya,"Ganyan naman kayong mga lalaki porket tumataba na kami nagsasawa na kayo agad!"Mainit ang ulo ko kaya pabalang ko siyang sinagot!

"Hey,yan ba ang isyu nyo?"Sabi niya sabay hinto sa tabi ng daan."Ano ba kasing nangyari?!"

"Your brother cheated on me,sa net! Tapos may anak siya sa labas! Sa tingin mo kakayanin ko pang makasama siya! Pagkatapos ng panloloko niya sa akin!"Mataas ang boses na wika ko! Naiiyak na din ako!"Ano bang kasalanan ko para pagdusahan ko ang lahat ng to! Ang sakit ng ginawa niya sa akin,Quani!"

"Hindi ko alam,na kaya niyang gawin yon sayo!"

"Ginawa na niya,two months,siyang may kachat sa laptop niya. Sabi niya nanay daw yon ng anak niya. Two months,Q,nakaya niya akong lokohin ng ganon katagal! Still  ang babaw ng dahilan niya!"

"Look,calm down Sam bawal sayo ang mastress!"

Huminga muna ako ng malalim paano bigla kasing sumakit ang tiyan ko,no,baby sorry,promise di na iiyak si Mommy!

Kinabahan ako,dahil sa sunod-sunod na pagsakit ng tiyan ko.

"Sam?"

"Masakit ang tiyan ko!"Nakangiwing wika ko sa kanya.

"Pero di mo pa kabuwanan!"

"Dalhin mo ako sa hospital dali na,Q! Ang sakit ng tiyan ko!"

#Quani.

Pabalik-balik ang lakad ko sa harap ng room na pinagdalhan kay Samaya. Abot-abot ang kaba ko,baka paano sila ng Baby!

Sana maging ok lang sila.

Labag man sa loob tinawagan ko pa rin si Kuya,asawa siya kaya karapatan niyang malaman ang lagay nina Samaya at ng Baby.

"Q! Anong nangyari?"Halata sa boses niya ang pag-alala. Kung diko pa alam mga kalokohang pinagagawa niya baka maawa pa ako sa kanya! Kaso sa ngayon gusto ko siyang suntukin. Tiningnan ko lang siya ng masama. Kasalanan ni Kuya Xander kaya nagkaganon si Sam. Alam naman niyang buntis ang asawa niya.

"Ano ba kasing nangyari Kuya? Mentally stress si Samaya,sabi ng Doktor na tumingin sa kanya baka mapaanak siya ng maaga. Or worst baka di kayanin ng baby dahil kulang pa siya ng ilang months! Anong kagaguhan na naman ba ang ginagawa mo Kuya!"Galit na galit na wika ko. Kahit kapatid ko pa siya diko siya kakampihan siya ang dahilan kaya nasa panganib ngayon ang kaibigan kong si Samaya at ang pamangkin ko!

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now