Chapter13

11.9K 262 3
                                    

Chapter13

#Crazy_Challenge

#Samaya

Pambihira talaga tong halimaw na to,sukat ba namang may pachallenge challenge pang nalalaman.

Ang dami niyang pakulo.
Mas lalo lang niyang ginugulo ang isip ko,diba nga kasi pakiramdam ko may gusto na ako sa kanya.

Kaasar!
Gising Samaya,pinagtitripan ka lang naman niya.

"Lets eat!"Agad akong napalingon sa direksyon ni Halimaw.

"Andiyan pa si Quani?"Out of this world na tanong ko.

"Seriously si Quani talaga?"Ayan na naman siya sa pagiging,ewan niya.

Tumayo na ako saka,kumapit sa braso niya. Ramdam kong nagtataka siya sa ginawa ko,pero binalewala ko lang yon."Alam mo,ikaw,bawas-bawasan mo nga ang pagkunot nitong kilay mo,sige ka maaga kang tatanda!"Nakangiting wika ko sa kanya,habang hinaplos-haplos  ang kilay niya.

"Tara na nga,baka nalipasan ka na ng gutom,kung ano-ano na yang lumalabas dyan sa bibig mo!"Napailing na wika niya sabay hila sa akin palabas.

"Busog pa ako! Wala akong gana!"

Sinamaan na naman niya ako ng tingin,ibig sabihin di niya gusto ang sinabi ko.

"Kakain ka,Baby,ayaw kong magkasakit ka."

"Concern ka sa akin?"

"Hindi,ah,hindi ka pwedeng magkasakit,hindi ako sanay na walang kasex everyday,since wala na akong babae,kaya kailangan malusog ka palagi!"

Napanganga ako sa sinabi niya,everyday talaga?
Shit!
Ang landi din ng lalaking to.

"Ang landi mo,everydayhin mo yang mukha mo,hoy for your info,tao ako hindi robot!"Inismiran  ko siya,kalandian ng lalaking to.

"Baby,yon ang pampalakas ko!"

"Baby? Hindi ako bata,Xander!"

"Baby,ikaw na ang baby ko,paano ako mafafall sayo kung palagi mo akong tinatarayan,turn off kaming mga lalaki sa mga babaeng mataray,dapat swabe lang!"

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya,kung makaturn off kala mo may puso,wala naman.

"Ano ikaw na ang baby ko ha!"

"At ikaw naman ang Halimaw ko!"

"What? Ayaw ko dyan sa tawag  mo sa akin,nakakawalang gana."Nakasimangot na wika niya.

"Ah,basta,wag ka na ngang magreklamo,Halimaw ko! O diba maganda namang pakinggan?"

"Bahala ka na nga,lika na baka kanina pa naghihintay sa atin si Quani."



"Ang tagal nyo naman,may ginawa ba kayong something at ang tagal nyo."Naiiritang wika ni Quani. Gutom lang siguro siya.

"Sorry,Bro,mas bet ko kasing kainin itong Baby ko,kaysa diyan sa nakahandang pagkain!"Malanding wika ni Xander. Sharap niyang batukan.

Hindi ko na lang pinatulan ang sinabi niya. Baka humaba pa.

"Sam?"Tawag sa akin ni Quani.

"Yes?"

"Sa akin ka mamayang gabi ha."Malanding wika ni Quani na ikinaasar ko.
Abat!
Tiningnan ko ng masama si Xander  nabitin sa ire ang subo niya pagkarinig sa sinabi ni Quani.

"Hindi siya pwede,mamayang gabi,hindi siya pwede bukas,mas lalong di siya pwede sa susunod na araw,kasi sa akin lang siya forever. Sorry little Bro,hindi ko siya ipapahiram sayo!"Naningkit ang mga mata na wika ni Xander.

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now