chapter27

8.6K 191 1
                                    

Chapter27

#Useless

#Samaya

"Sorry ka na lang Bitch mukhang nakalimutan ka na ni Xander,ako pa sayo,magparaya ka na lang,you see were perfect,wag mo ng sirain"😡

Nagngingitngit ang loob ko ng marinig ang sinabi niya. So pinalalabas ng babaeng ito na ako ang kontrabida.

Kahit nasasaktan taas noo ko siyang hinarap."Kung inaakala mong ganon-ganon mo lang akong maalis sa landas mo,pwes nagkakamali ka! Hindi ko isusuko si Xander gaya ng ginawa mong pang-iwan sa kanya! Bakit di na lang ikaw ang umalis,ikakasal na kami ni Xander next month."

Kita ko ang pagbagsik ng mukha niya,hindi niya siguro matanggap na ikakasal na kami ni Xander.

"So what kong ikakasal na kayo,next month pa naman yon. Matagal pa yon. Marami pang pwedeng manggari. Baka nga bukas makalawa,magising ka na lang na wala na si Xander sa tabi mo!"

Kinabahan ako sa sinabi niya,posible naman talagang mangyari yon. Yon ngang kasal na nasisira pa ang relasyon. Mukhang di nga malayong mangyari yon. Determinado pa naman siyang manira!

"Fine,matigas ka! Kung ayaw mong gumive-up,kayang-kaya ko namang sirain ang relasyon nyo. Just wait,Bitch!"Malanding wika nito,over confident din ang babaeng to! Ang taas ng tingin sa sarili.

"Hindi ako natatakot sa mga banta mong yan! Mahal ako ni Xander. Makuha mo man siya,alam kong mahihirapan ka muna!"

Hindi na siya nakasagot pa sa sinabi ko,dahil pabalik na si Xander dala ang anak niya. Tama naman itong si Wrixie,halata ang saya sa mukha ni Xand. Pero di ako magpapaapekto,mahal ako ni Xander. Handa akong ipaglaban siya. Handa akong ilaban siya ng patayan.
Gusto niya ng gulo pwes ibibigay ko yon sa kanya.
Lets see kung sinong mananalo sa aming dalawa.😈

"Uwi na tayo,Baby?"Tanong ni Wrixie sa anak niya.

Hindi sumagot ang bata basta kumakain lang ito.

"Hatid mo kami,Hon!"Bigla na namang uminit ang ulo ko ng marinig ang tinawag niya kay Xander,malandi talaga!

Tahimik lang akong nakikinig sa isang tabi,I felt so useless,feeling ko para lang akong decoration doon.

"Baby ko,hatid muna natin sila ha,ok lang ba sayo?"Parang lumukso ang puso ko ng marinig ang sinabi ni Xander. Nabuhay ang katawang lupa ko,huling-huli ko ang pag-ismid ni Wrixie!
Hahhahaa,mamatay siya sa inis.

So gusto niya ng laban pwes ibibigay ko yon sa kanya. Ipapakita ko sa kanya kong gaano kahalaga kay Xander ang opinyon ko.

"Halimaw ko,nahihilo ako ee,pwede pahatid mo na lang sila sa driver natin,please! Ayaw ko ring umalis ka ng di ako kasama!"Wika ko sa nanghihinang boses,kita ko agad ang pag-alala sa mukha ni Xander.

"Nahihilo ka? Ang dami mo kasing kinain ee."Sabi niya sabay hagod sa likod ko. Huling-huli ko ang masamang tingin ni Wrixie sa akin. I smiled at her wickedly ng di nakatingin si Xander.
So ano na,Bitch?
Lalaban ka pa?

"Sorry,Wrix,I guess diko kayo maihatid ngayon,ayokong mas lalong mahilo itong Baby Sam ko!"

Yes!
O diba wagi ang beauty ko.
Ano ka ngayon,Wrixie!

Nag-alalab na ang mga mata niyang nakatingin sa akin!

Pero wala akong pakialam,kung kaya niyang maging bitch,mas kaya ko rin.

"Pero,Xand kakakita nyo pa lang ni Xandra wala ka na agad time sa kanya?"Kunwari nagtatampo siya.Ayan na,linya ng isang bitch!

Naguguluhang napatingin sa akin si Xander."Halimaw ko,invite na lang natin siya sa Sunday,ipapasyal natin siya!"

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now