Chapter24

9.1K 214 4
                                    

Chapter24

#Hate

#Xander

Halos paliparin ko na ang sasakyan makarating lang agad sa kinaroroonan ni Samaya.
By this time,baka alam na ni Samaya ang ginawa kong pananakot kay Cade para lang layuan si Samaya,shit!

Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng maisip ang mga ginawa ko noon.
Nagsisi akong di ko na lang pinatay si Cade sana masaya na ako ngayon at walang problemang ganito.

Hindi ko hahayaan na magkasira kami ni Samaya,ang laki na ng ipinagbago ko para masira lang.

Sa wakas nakarating na din ako,agad akong sinalubong ng mga bodyguard ni Samaya na pinasama ko sa kanya.

"Boss!"Kabadong wika nila sa akin.

"Where is she?"Kalmadong wika ko pero ang totoo gusto ko na silang lumpuhin dahil hinayaan nilang magkita sina Samaya at Cade kaya nga may bodyguard si Samaya para di siya malalapitan ng kung sino man. Ang sarap lang nilang pag-untugin!

"Ayon po siya Boss!"Sabi niya sabay turo sa kinaroroonan ni Samaya. Kinabahan ako ng makitang parang umiiyak siya. Am I late already?
Galit na ba siya sa akin?

Marahas akong huminga saka humakbang na papasok,"Sorry po,Boss!"Mahinang wika ng dalawang gunggong kong tauhan!

Hindi ko na sila pinagkaabalahan pang lingunin,nasa kina Samaya at Cade ang atensyon ko.

"Baby?"Mahinang tawag ko sa kanya,nasa likuran niya ako pero di man lang niya ako nilingon. She was really mad at me. Tinapunan ko ng masamang tingin si Cade!"Akala ko patay ka na!"Walang emosyong wika ko kay Cade.

Naging mailap ang tingin niya,halatang natakot siya."So,bat ka nandito? Akala ko ba malinaw ang usapan,sasama ka na kay Marie,at hindi mo na kami guguluhin?!"Kalmado pa rin ang boses ko kahit ang totoo gustong-gusto ko ng sirain ang mukha niya.


"Hindi ko naman sinasadya na makita si Samaya dito,naisip ko lang na gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. She deserves to know,deserve niyang malaman ang pag-control mo sa amin. You manipulate us."

Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Nang tingnan ko si Samaya,nakayuko lang siya.

"So hindi mo ba ipapaalam kay Samaya na pinagpalit mo siya sa halagang limang milyon?"Nang-uuyam na wika ko. Konti na lang masasapak ko na talaga ang hambog na to."May I remind you tinanggap mo ang pera dala ang pangako na hindi ka na magpapakita kay Samaya!"May diing wika ko.

Namutla si Cade habang nakatingin kay Samaya na punong-puno na ng pagkalito ang mukha!

"Sabihin mo kay Samaya lahat Cade,na ikinasal ka na sa personal nurse mo!"

"Cade?"Naguguluhang tanong ni Samaya.

Akala ng Cade na to,madali akong matalo!
Well hindi na niya makukuha pa si Samaya,dahil akin siya.

"Ginawa ko lang yon,dahil yon ang gusto mo! Kinontrol mo ang buhay namin,hindi mo din ba sasabihin kay Samaya ang mga ginawa mo sa akin. Pinakasal mo ako kay Marie para masigurong hindi ko na mababalikan si Samaya,Boss,siya ang mahal ko,hindi si Marie!"Malungkot na wika niya.

"Lets stop this nonsense,umuwi na tayo Baby!"May diing wika ko,sabay hawak sa kamay niya. Pero parang hiniwa ang puso ko ng iniwas niya ang kamay niya para diko mahawakan."Baby?"


"Dont call me,Baby?!"Malamig na wika niya. Saka huminga siya ng malalim."You know what ginawa mo din sa amin ang ginawa sayo ng Dad mo! You controlled everything without even thinking that we had feelings too! Masaya ka na ba ha?" Parang hiniwa ang puso ko dahil sa sinabi ni Samaya,sumobra na ba talaga ako? Kinontrol ko nga ba ang mga buhay nila. Ginawa ko lang naman yon dahil ayaw kong mawala siya sa buhay ko.

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now