chapter11

12K 262 5
                                    

Chapter11

#Samaya_meets_Cade

#Samaya

Matapos akong payagan ni Xander na makita si Cade,agad akong nagpasama sa mga tauhan niya para ituro sa akin ang kinaroroonan ni Cade.

"Salamat!"Sabi ko sa tauhan ni Xander na nagturo sa akin.

Huminga muna ako ng malalim saka marahang pinihit ang pinto na may nakalagay na OFF LIMITS!

Ng mabuksan ko ang pinto,tumambad sa akin ang studio type na silid.

May maliit na sala,may kitchen at may isang room.

Walang tao sa paligid.

"Cade! Cade! Buhay ka pa ba?"Ang tahimik kasi baka natuluyan na si Cade.

Narinig kong parang may umubo na nagmula sa nag-iisang silid,agad ko itong nilapitan at binuksan,saka ko nakita si Cade na nakahiga na parang isang Mummy,kaawa-awa ang kalagayan niya.

"Cade?"Tawag ko sa kanya nakapikit kasi siya.

Dahan-dahan siyang nagmulat na para bang pati yon ay nahihirapan siyang gawin.

"S-sam?"

Agad ko siyang nilapitan,hahaplusin ko na sana ang buhok niya ng maalala kong bawal ko pala siyang hawakan. Baka magalit na naman si Xander at  samain pa lalo si Cade.

"Anong nangyari sayo?"Naiiyak na tanong ko. I feel so guilty,feeling ko kasalanan ko pa kung bakit siya nagkakaganyan ngayon."Bakit tayo napasok sa ganitong sitwasyon,Cade?"Nasasaktan na tanong ko sa kanya."Bakit mo hinayaan na mangyari sa atin to?"

Sasagot na sana siya,ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng kaedad ko,na nakasuot ng puting uniform. Nagulat siya ng makita ako,di niya yata inakala na may bisita si Cade.

"Hi,Im Emmy,personal nurse ni Cade!"Masiglang pakilala niya sa akin.

Tumango lang ako."Im Samaya,kaibigan niya."Hindi ko alam kong bakit ganon ang pakilala ko sa kanya."Pwede ko ba siyang makausap in private."

Tumingin muna siya kay Cade bago humarap sa akin."Hindi pa siya pwedeng maka-usap ng matagal,malala ang natamo niyang pinsala sa katawan. Kailangan niya pang magpahinga. Mahina pa siya,di pa siya pwedeng mapagod."

"Please,Nurse kailangan ko siyang makausap,hindi ko alam kong magkikita pa kami ulit!"

"Sige na,Emmy,kaya ko na. Tama siya baka di na siya makabalik dito!"Mahinang wika ni Cade halata ang panghihina sa boses niya.

"Ok,sa labas lang ako,call me,if something happened!"

"Salamat."

Nang masiguro kong nakalabas na si Emmy,hinarap ko ulit si Cade.

"Bakit mo ginawa sa akin yon,Cade? Nahihirapan na ako,sinasaktan at binababoy ako ni Xander!"Walang gatol na wika ko. Kailangan niyang malaman ang resulta ng ginawa niyang pagbayad sa akin kay Xander."Hirap na hirap na ako Cade,paano pa ako makakaalis dito kong bihag ka din niya."Tuluyan ng pumatak ang masaganang luha ko."Natatakot ako sa pwede niyang gawin sa akin Cade,takot na takot ako sa kanya,feeling ko any moment,pwede niya akong patayin."

"Im sorry,Sam. Nagawa ko lang naman yon dahil natakot akong patayin niya sina Papa at Mama. Sorry talaga,wala sana akong planong gawin yon,kaso nagipit na ako sa panahon,nabalitaan ko kasing tumatanggap siya ng babae bilang pambayad utang,pero hindi ko kayang gawin yon sayo. Hanggang sa pinasunog niya ang bahay nina Papa."

"Hindi aksidente ang sunog?"Naalala ko nasunog ang bahay nina Cade.

Umiling siya,"Sinadya ang sunog na yon,Sam,tinawagan niya ako para ipaalam na kaya niyang gawin ang lahat,pag di ako nakabayad sa kanya,natakot ako Sam,diko kayang nakikita na nasasaktan ang mga magulang at kapatid ko. Kaya ginawa ko ang bagay na yon,Im so sorry Sam,pinagsisihan ko kung bakit ginawa ko yon sayo."

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now