chapter3

15.5K 302 13
                                    

Chapter3

#Party

#Samaya.

Naiinip na ako sa haba ng byahe namin,maliwanag pa ng umalis kami,ngayon madilim na.

Pero wala akong planong magreklamo,baka magalit na naman tong halimaw na to sa akin. Samain pa ako.

"Staring is Rude! Ano nakabuo ka na ba ng plano dyan sa isip mo kung paano mo ako papatayin ha?!"Malamig pa sa yelo na wika nito.

Ano daw?
Looooadddding na naman si Ateng!
Kaya napakurap-kurap na lang ako habang nakatingin sa kanya.
Juice ko,wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.

"Anong sabi mo?"Mahinang wika ko,sa takot na baka masigawan na naman niya ako.

Sinamaan niya lang ako ng tingin saka nagpatuloy sa pagdidrive.

Iniwasan ko na ding tumingin sa kanya baka ano na ng sabihin nito.
Kasi naman ee,ang gwapo niyang halimaw,kung di ko lang alam ugali nito aakalain kung napakabait nito.
Mapaglinlang talaga ang kagwapuhan nito yong tipong di makakagawa ng kasamaan.
Kaso nga,ang sama niya.
Ang sama-sama.

"Where here!"Sabi niya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan tumango na lang ako,since ayaw ko ng magtanong."May I remind you,Samaya,wag na wag kang magkakamaling makipaglapit sa ibang lalaki kundi sasamain ka sa akin!"Nagbabantang wika nito,bago bumaba at pinagbuksan ako ng pinto!
Hmmp,di bagay dito ang salitang Gentleman!
Nakakasuka.

Inalalayan niya pa ako sa paglalakad."Wait lang."Napahinto siya at tumingin sa akin.

"Paano kung sila ang lalapit sa akin? Magagalit ka pa rin?"Kailangan kong itanong yon,kailangan kong malinawan.

Ang sama-sama palagi ng tingin niya,yong tingin pa lang tumatayo na ang balahibo mo.

"Alin man sa dalawa,sasamain ka pa rin sa akin. Kaya umiwas ka hanggat kaya mo,tandaan mo,ikaw ang parurusahan ko!"

Nanayo na naman ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Idagdag pa na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng hawak niya sa beywang ko. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman ako tatakas hindi na niya ako kailangang hawakan ng ganito.
Kaso wala akong choice kundi ang magpaubaya sa kanya.
Shocks!
Ang gaganda ng mga bisita.
Lahat puro nakaayos.
Ako lang yata ang hindi kong bakit naman kasi hindi ako pinag-ayos ng halimaw na to.

Napansin niya yata na nainsecure ako sa ibang mga babaeng bisita. Kaya palihim siyang bumulong sa akin,"Mas maganda ka sa kanila."Yon lang naman ang ibinulong niya pero parang lumukso ang puso ko.
Ang galing ng halimaw na to.
Ang galing mangbola.
Kala niya naniniwala ako sa sinasabi niya.


"Pare,nandito ka na pala."Salubong sa amin ng isang lalaki ,you know parang Greek God din sa sobrang gwapo. Napatulala ako sa angking kagwapuhan ng kaharap ko,kaso napaiktad na lang ako bigla ng malakas na  pinisil ni Xander ang beywang ko.
Sinamaan ko siya ng tingin kaso,ang lapad lang ng ngiti niya.
Ahmmm,ngumingiti siya!
Ang gwapo niya.
Shocks!


"Miss ok ka lang?"Napansin yata ng lalaki na hindi na normal ang mga galaw ko,kaya marahan lang akong napatango.

"Kumusta Vi!"Masayang wika ni Xander sa lalaki sa harap namin.

"Sino naman tong magandang kasama mo? Ito na ba ang forever mo?"Pangungutya nito kay Xander na halos di na maipinta ang mukha.
Lagot!
Asar na agad ang halimaw!

"Get lost! Virgo! Seriously! Forever talaga! Ang corny mo na rin!"Nakangiwing wika ni Xander na ikinatawa lang ng lalaki.


"By,the way,Im Virgo ako na ang magpakilala sa sarili ko since wala yatang plano itong si Xander na ipakilala ka!"Sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now