chapter8

12.9K 255 0
                                    

Chapter8

#Jealous

#Samaya

Pagkatapos naming mag-usap, iniwan niya ako.
Badtrip na naman yata ang halimaw.
Palagi na lang siyang ganon,napaka-ewan!

"Hey Xand,sandali lang!"Lakas loob kung tawag sa kanya.

Pero di siya nakinig sa akin,nagpatuloy lang siya sa paglabas.

Ang laki talaga ng saltik ng halimaw na yon.
Nakalimutan niya yatang wala siyang pang-itaas na damit.
Tapos ang lamig pa sa labas,baka sipunin siya.

Bat ba ako nag-alala sa halimaw na yon.
Nang tingnan ko ang malaking orasan sa sala,4'oclock na pala.

Ayan tuloy di na ako makatulog ulit!

Napatanga na lang ako habang nakaupo,saka nakatingin sa kawalan.

Nasa kanya si Cade,bihag niya ito,malinaw na hindi na ako matutubos ni Cade dito.

Ano ng gagawin ko?
Aaminin ko man o hindi parang may nararamdaman na ako sa kanya,na hindi dapat!

Halimaw siya!
Bakit naman ako magkakagusto sa kanya.
Mahal ko si Cade!

Mahal ko nga ba si Cade o dahil lang yon sa utang na loob ko sa pamilya niya?

Napahikbi ako ng maalala si Cade,isa siyang addict?
Pero ang bait niya sa akin.
Di ko talaga inaasahang kaya niya akong lokohin.
Pagkatapos kong binigay ang lahat sa kanya.

Ah,ewan ang gulo!
Hanggang sa diko na namalayan nakatulog na pala ako habang nakayukyok sa mesa.

Ramdam ko ang marahang pagyugyog,hmmmp,storbo!

"Hey,Sam,wake up. Bat dito ka natulog? Di ba namanhid yang kamay mo?"

Dahan-dahan akong nagmulat!
He was sound concern.
Kaso baka mali lang ako ng dinig.
Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago humarap sa kanya.

Ane ba yan!
Nakakahiya naman tong ayos ko,ang fresh na niya samantalang ako heto.
Nahihiyang nagpahid ako kunwari sa pisngi ko,baka may natuyong laway,eew kadiri naman!

"Fix yourself,uuwi na tayo!"

Tumango ako,saka tumayo na. Ayaw ko ng makaharap siya ng matagal masyado ng awkward tong ayos ko.

"Bilisan mo! Dumating na daw yong babae na padala ni Riffle!"

Napahinto ako ng marinig ang sinabi niya,so seryoso pala talaga ang usapang yon,kala ko,biruan lang yon.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko bat parang masakit ata?
Nasasaktan ako?

"Bilisan mo na Sam! Wag kang tatanga dyan!"Puno ng pagkainis na wika niya.

Hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kanya,nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa hagdan.

Habang naliligo,feeling ko uminit ang mga mata ko,naiiyak ako.
Kasi naman ee,ang landi niya.
Ayaw kong puntahan niya yong babae,kaya binagalan ko ang pag-aayos.

"Nang-aasar ka talaga?"Napaiktad ako ng malakas niyang buksan ang pinto.

Tiningnan ko lang siya,ang bigat sa dibdib ko.
Nandito naman ako,kailangan ba talaga may ibang babae pa siyang pupuntahan bukod sa akin.

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now