chapter35

11.2K 218 16
                                    

Chapter35

#LovecanHurt

#Samaya

"Umalis ka na!"Buong tapang na wika ko sa kay Xander. Kahit nanghihina pa ako bigla akong lumakas ng makita ko siya. Bumangon lahat ng galit sa puso ko. Premature ang baby namin dahil sa kanya.
Dahil nga lang ba sa kanya?
O may kasalanan din ako kasi nagpadala ako sa sakit na nararamdaman ko.

"Sam,wag mong gawin sa akin to."Puno ng lungkot na wika niya.

"Bakit ano bang ginawa ko sayo?"Naiinis na wika ko. Mas lalong bumangon ang galit sa puso ko,pakiramdam ko ako pa ang may kasalanan sa kanya.

"Wag mo lang akong paalisin,Sam. Gusto ko kayong makasama ng Baby natin."

"I cant stand you anymore,Xander! Hindi kita kayang makasama! Nandidiri ako sayo!"Punong-puno ng pait na wika ko sa kanya."Just please,wag ka na lang magpakita sa akin.."

"Ganon ba talaga kalaki ang galit mo sa akin? Para ipagtabuyan ako. Alam ko nasaktan kita,alam ko nagkamali ako,pero sana wag mong ipagkait sa akin na makasama ang anak ko."

"Anak mo? Anak mo na dahil sayo kamuntik ng mawala!"

#Quani

Lumabas lang ako sandali para kumain,tulog pa din naman si Samaya. Papasok na ako sa room ni Samaya ng marinig ko ang malakas na boses niya. Galit na galit siya. Pero bawal pa sa kanya ang mastress katatapos niya lang manganak.
Agad kong binuksan ang pinto,saka ko nakita si Kuya Xander.

Nakaka-awa ang mukha niya,pero kasalanan niya naman kung bakit nagkaganito ang lahat. Kung sana di siya gumawa ng kagaguhan.

"Kuya,bawal pa kay Sam ang magalit baka mabinat siya."Sabi ko kay Kuya sabay lapit kay Sam."Sam,relax,bawal pa sayo yang ginagawa mo,baka mabinat ka niyan."

"Paalisin mo siya sa harap ko kong ayaw mong may mangyaring masama sa akin ngayon."Sabi niya sa nagbabanta na tinig. Agad kong binalingan si Kuya,siguro naman naiintindihan niya si Samaya.

"Aalis ako ngayon Sam,pero di ibig sabihin non na susuko na ako. Hindi ako titigil Sam hanggat di mo ako napapatawad."

"Umalis ka na lang!"Putol ni Samaya sa mga sasabihin pa niya. Kita ko ang pagkatalo sa mukha ni Kuya.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya,Q,nandito lang ako labas kung may kailangan siya."

Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya. Tiningnan niya muna si Samaya bago siya lumabas. Kaso di siya nito pinapansin.

Nang makalabas na si Kuya agad ko siyang hinarap.

"Sam? Galit ka ba talaga kay Kuya?"

"I hate him!" Matipid na sagot niya.

"Saan napunta yong pagmamahal mo sa kanya?"Di ko kasi maintindihan,mahal nila ang isat-isa ngunit sa isang iglap lang napalitan agad ito ng matinding poot!

"Ganon,talaga,love can hurt. Hindi lahat ng nagmamahal nagiging masaya. Minsan nasasaktan din. Hindi nga yata talaga maiwasan na nasasaktan ka kapag nagmahal ka. Kaakibat ng love ang sakit!"

"Pero bakit kailangan pang masaktan kung pwede namang maging masaya. Kung pwede namang magpatawad. Sam,hindi ko kinakampihan si Kuya,alam ko malaki ang naging pagkakamali niya. Pero nagsisisi na siya Sam. Hindi niya sinasadya na saktan ka. Tao lang din siya na nagkakamali. Just give him,another chance,Sam,please."

"Pag-iisipan ko,galit lang din kasi ako ngayon. Kamuntik ng mawala ang baby namin dahil sa nangyari."Hinaplos ko ang balikat niya.

"Magiging ok din ang lahat,Sam. Buksan mo lang palagi ang puso mo,Sam."

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now