chapter17

10.1K 213 6
                                    

Chapter17

#The_other_woman

#Samaya

"Aalis ka?"Malungkot na tanong ko kay Xander,paano aalis siya pero di niya ako isasama. Nakakapanibago lang kasi. Nasanay na kasi akong kasama siya palagi."Saan ka pupunta Halimaw ko? Sama ako,please?"Paawa epek na wika ko. Paano nakakalabas lang ako sa lugar na yon kapag umaalis siya tapos isasama niya ako."Sama ako,sige na."

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin,may kakaiba sa kanya na diko maipaliwanag.

"May problema ka,Halimaw ko?"Nag-alalang tanong ko sabay hipo sa noo niya baka mamaya may sakit na pala siya.

Pero umiling lang siya."Hindi ka pwedeng sumama. May susunduin ako sa airport ngayon."Pormal na wika niya. Ewan kinabahan ako sa sinabi niya.

"Sino?"

"Isang kaibigan."Matipid na sagot niya. Mukha pa nga siyang walang gana.

"Anong oras ka babalik?"

"Hindi ko alam,baka mga ilang araw akong di makakauwi may aayusin lang ako."Malamig na wika nito na mas lalong nagpatindi ng kaba ko. May di siya sinasabi sa akin.

"Ganon ba,pwede ba akong lumabas dito? O di kaya mamasyal."

"Hindi pwede wala kang kasama! Baka tumakas ka."Bakit ang lamig-lamig niya. Napakapormal niya,parang noong una kaming nagkita. May nangyari ba? May nagawa ba akong mali?

"Baka pwedeng magpasama kay Quani,habang wala ka."

Tinapunan niya ako ng masamang tingin."Fine ikaw ang bahala."Walang ganang sagot nito. Tama ba yong narinig ko,pumayag siya na makasama ko si Quani,may mali nga yata talaga sa kanya.



"Sige ingat ka sa pupuntahan mo,Halimaw ko. Sana makabalik ka agad."Bakit ganito pakiramdam ko may mangyayari,feeling ko di ko na siya makakasama pa na gaya ng dati. Ayaw kong magduda pero iba talaga ang nararamdaman ko.

"Sige aalis na ako,tumawag ka kung may kailangan ka!"Sabi niya sabay alis. Ganon lang yon,walang kiss!
Tsssk,nababaliw na yata ako,sa konting panahon na nakasama ko siya nasanay na ako sa pagiging seloso niya minsan ang cold niya,pero higit sa lahat ang pagiging sweet niya. Bakit parang nawala,bakit parang wala na siyang pakialam sa akin.
Bakit?

Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas. Ni hindi man lang niya ako nilingon. Anong ganap ba kasi bat siya nagkakaganon.
Namiss ko yong Xander na kahit medyo paasa ang mga salita,sweet pa din ang dating.
Pansin ko kahapon pa siyang parang nanlamig.
Nagsawa na kaya siya sa akin kaya ganon. Kala ko ba magbabago siya para sa akin.

Napaupo na muna ako,sa sofang nandoon pakiramdam ko nanghihina kasi ako.

Sana bumalik agad siya,gusto kong itanong sa kanya kung may nagawa ba akong mga bagay na di niya nagustuhan kaya ang cold at formal ng pakikitungo niya sa akin.

#Quani

"O,napatawag ka kuya?"Nagulat ako ng makatanggap ng tawag mula kay Kuya di kasi ito mahilig tumawag himala na kung tumawag  ito. "May problem ba?"

"Samahan mo muna si Sam sa Condo ko!"

Nangunot noo ko sa sinabi niya. Tama ba yong narinig ko pasasamahan niya si Samaya. Anong nakain nito ee?
Ayaw nga niyang tingnan ko si Samaya tapos ngayon,pasasamahan niya pa.



"Anong sabi mo?"Tanong ko sa kanya kahit ang totoo narinig ko naman talaga siya.

"Alam ko narinig mo ako,do what I say,ayoko siyang mag-isa doon. Samahan mo siya. Diko alam kong kailan ako makakabalik!"

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now