chapter22

9.3K 234 4
                                    

Chapter22

#The_coconut_nut😂

#Xander

"Ingat ka po,Sir Xander baka mahulog ka po! Dahan-dahan lang po sa pag-akyat!"Tinanguan ko lang ang mga trabahador ko na nakasaksi sa gagawin kong pag-akyat. Ni sa hinagap diko naisip na darating ako sa puntong kinailangan kong umakyat sa puno ng niyog.
Inhale,exhale.

Kailangan kong maging matapang para sa magiging baby ko at sa babaeng nagpabago sa akin.

"Ingat ka Halimaw ko!"Malambing na wika niya,habang hawak-hawak ang phone niya."Ilive-live stream kita Halimaw ko!"😂

Grabe si Samaya kailangan ba talagang gawin niya yon."Sige na Halimaw ko,marami ng nag-aabang sa pag-akyat mo. Dali na marami ng viewers.😂"

"Sir ingat po!"Tatlo silang nakaabang sa akin,nakaabang para saluhin ako.😂

"Kaya ko to! Wag kayong mag-alala."

Kaya ko to,marami din naman akong trainings na napagdaanan.

Dahan-dahan na akong umakyat,may mga guide naman sa katawan ng puno,palatandaan na doon ka hahakbang. Mahigpit ang kapit ko sa katawan ng niyog.

"Sir,focus lang po,wag po kayong titingin sa baba."Dinig kong wika ng isa sa mga trabahador ko.

"Ok lang ako!"Nawala na ang kaba na naramdaman ko. Medyo nakapag-adjust na yata ang sistema ko.

"Halimaw ko,ang dami mo ng viewers,sige akyat ka pa."

Ang saya lang niya,sa baba samantalang tagaktak na ang pawis ko sa katawan,wala pa naman akong pang-itaas na damit.

"Ang hot,mo dyan Halimaw ko!"

Grabe di ba siya titigil!
Haissst,humanda ka sa akin mamaya parurusahan kita sa ginawa mong to sa akin.

Sa dami ng puno ito talaga ang napili niya,itong pinakataas na puno!
Nanadya yata talaga siya.

"Halimaw ko,malapit ka na,ayan na! Ang galing mo talaga Halimaw ko!"

Ang ingay ni Samaya,pero mas lalo akong ginanahan sa mga sinasabi niya.

"Para sayo to Baby ko,mahal na mahal kita."

"Oa mo,baba ka na dyan dali! Naglalaway na ako sa kanila."

"Sa buko o sa katawan ko?"

"Halimaw ko!"Nanlaki ang mata na wika niya. Tumingin siya sa paligid saka nakapamewang na humarap sa akin."Bat ka ba kasi naghubad! Hello,pinagpifiestahan na nila yang katawan mo! Bumaba ka dyan at magbihis ka,dalian mo!"

Aba beastmode si Samaya,pano naman kasi ang dami na palang nanonood,may mga babaeng trabahador na  kinikilig pa habang nakatingin sa akin.

"Ayaw! Kasalanan mo to,pinaakyat mo ako! Ngayon di ko na alam kong paano bumaba!"😂

Mas lalo siyang nainis sa sinabi ko!"Nanadya ka ba? Bumaba ka na diyan,ngayon din! Ayaw ko na sa mga tingin nila!"Nagpapadyak na wika niya. Ang cute niya.

Para siyang bata na ewan!

"Baba ka na Halimaw ko!"

"Ayaw ko!"Matigas na tanggi ko.

Halatang naiinis na siya. Pero gusto ko siyang inisin!

"Awayin mo sila,kung gusto mo,basta hindi muna ako bababa dito! Nag-iisip pa ako kung paano ako makabababa dito!"

"Nanadya ka talaga noh! Inaasar mo lang ako ee!"

"Ito ba yong gusto mo?"Sabi ko sabay pakita sa isang kumpol ng buko.

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon