chapter16

10.9K 219 2
                                    

Chapter16

#Breakfast

#Samaya

"Tama na Xander,wag mo ng paglaruan ang damdamin ko. Hindi ko na hahayaan na masaktan muli ako. Wag mo na akong idamay sa magulo mong mundo."

"Alam ko,dami kong pagkakamali sa buhay. Ang dami ko ding mga kasalanan. Wala ng matinong nangyari sa buhay ko since I decided to left Yleenna,pero umaasa ako na sana may darating para ibalik ako sa dati. Sana ikaw na yon. Umasa nako dati pero iniwan niya lang ulit ako hindi niya mahintay ang pagbabago ko."

May iba pa bukod kay Yleena!
Pero wala na akong planong alamin pa.

"Pwedeng maligo muna ako,ang lagkit na ng pakiramdam ko!"

Tiningnan niya ako ng di makapaniwalang tingin,wala akong panahon sa mga drama niya ngayon.

"Sam,di ka man lang nag-alala sa akin,may pasa ako o!"

Tsssk,ang Oa.
Pero ang totoo pinilit ko lang na wag pansinin yon,ayaw ko ng nararamdaman ko para sa kanya. Walang patutunguhan!

"Napaaway ka kagabi?"

"Nakalimutan mo na ang mga ginawa mo kagabi ha? Halos makapatay na ako Sam,kung di ako napigil nina Xerxes at Quani!"Nagbabaga na naman ang mga tingin niya."You were acting like a bitch!"

"Ano pa? Acting like a whore? Kasalanan mo naman yon ee,kung di sana matalas yang dila mo,di ako magwawala kagabi,tinanggihan mo nga panlalandi ko sayo kaya nangyari yon!"Nagdadabog na wika ko,ang Oa din kasi ng Halimaw na to. Minsan lang yon mangyari sa buhay ko dahil talagang umiiwas ako sa limitasyon ko.

"So kasalanan ko pa talaga,Ghad,halos isex ka na ng lalaking yon sa dancefloor!"

"Talaga? Gwapo ba? Baka yon mas may puso kaysa sayo!"Nang-aasar na wika ko,sarap niyang asarin ngayon. Sarap naman na agahan to.

'Shut up! Wala ng silbi yon pinalumpo ko na!"

"Sayang naman! Di bale na makakahanap pa ako ng iba yong mas kaya akong panindigan! Yong malalaman ang halaga ko,hindi nagawa ni Cade yon Im sure may darating pang iba na nakalaan para sa akin."

"Wag na wag mong susubukang makipaglandian ulit sa iba Samaya kong ayaw mong maging halimaw ulit ako! Kaya kong pumatay,wala nga akong puso diba! Unless gusto mo talagang mandamay ng ibang tao!"

Inirapan ko lang siya!"Halimaw ka talaga! Bat ba kasi di mo na lang ako pakawalan!"

"Hindi dahil ikaw ang magiging Reyna ng mga Halimaw!"

What?
Nababaliw na talaga ang lalaking to!
Gawin ba akong Reyna ng mga Halimaw ee sa face kong to!
Juice ko!
Hindi bagay sa akin ang title na yan.


"Grabe ka naman wala na bang mas matinong title na pwedeng itawag sa akin,ayoko ngang maging Reyna ng Halimaw!"Nakakaasar siya!


"Kung ayaw mong maging Reyna ng mga Halimaw,ikaw na lang ang maging Reyna ng buhay ko."

Malakas akong napatawa dahil sa sinabi niya.

"Baliw! Makaligo na nga!"Sabi ko sa kanya,sabay talikod. Nakakatawang asaran naman ke aga-aga!
Reyna ng buhay ko.
Hay ewan.
Baka puro salita na naman yan.

Hay sarap sa pakiramdam,fresh na fresh na ulit ako.
Palabas na ako ng bathroom ng maalala kong wala nga pala akong mga damit!

Kainis na halimaw na yon,bawal ba daw akong magsuot ng damit. Di ba siya nag-iisip paano kong kabagan ako!
Ang manyak!

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now