Chapter25

9.5K 181 0
                                    

Chapter25

#Forgive_Forget

#Samaya

"Please,patawarin mo na ako Baby ko,nagsisisi na talaga ako."Seryosong saad niya. Hindi ko muna siya sinagot,pano gusto ko kasi munang magpakipot!

"Baby ko?!"Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ng mga tao sa paligid. Grabe nakakahiya,napalibutan lang naman kami ng mga tao.

"Stop it! Tama na!"Madiing wika ko. Gusto ko kasing pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko.

"Hindi hanggat di mo ako pinapatawad."Matigas na wika niya,saka humarap siya sa mga audience namin. Anong balak niyang gawin."Gusto kong malaman nyo na itong babae sa tabi ko ang babaeng pakakasalan ko,ang babaeng magiging Nanay ng mga anak ko. Ang babaeng mahal na mahal ko."

Malakas na tilian ang narinig ko sa paligid,ang Corny na naman niya. Nakakahiya siya.

"Hindi ako mahihiyang ipagsigawan dito,kung gaano siya kahalaga sa akin,kung gaano ko siya kamahal."

Naman ee,nakakainis na siya.

"Patawarin mo na siya Ate!"Malakas na tili ng mga tao sa paligid,may ibang kumukuha pa ng video.

"Tama na,Xander!"Matigas na wika ko."Masyado ng maraming taong nakiki-usyuso!"

Nagkibit balikat lang siya."I dont care Baby ko,gusto ko lang malaman nila na mahalaga ka sa akin. Please forgive me"Halata sa boses niya ang pagmamakaawa!

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid,ang dami ng tao mukhang hindi lang si Xander ang naghihintay sa magiging sagot ko,pati na din sila.

Inhale,exhale!
Relax lang Sam!

"Bakit mo ginawa yon?"Handa na akong makinig sa mga paliwanag niya.

"Sinabi ko na kanina diba dahil ayaw kong bumalik ka sa kanya. Mahal mo pa ba si Cade?"Natahimik ako sa tanong niya. Mahal ko pa nga ba si Cade?

"Hey,Baby ko,mahal mo pa siya?"Halata na sa boses niya na nasasaktan siya.

Tiningnan ko siya ng tuwid sa kanyang mga mata,gusto kong mafeel niya ang bawat salitang bibitawan ko."Hindi ko na siya mahal."Buong tapang na wika ko."May bago ng nagmamay-ari sa puso ko. Ikaw yon,Halimaw ko!"Malakas na naman na tilian ang pumuno sa bahaging iyon ng Mall."Ikaw na ang mahal ko,ok pinapatawad na kita,kalimutan na natin ang mga nangyari,magsimula tayong muli,Halimaw ko!"

Kitang-kita ko ang saya na mukha niya,"Yes,pinatawad na niya ako."Sabi niya at masayang humarap sa mga tao na nakapaligid sa amin."Yes,pinatawad na niya ako!"

"Congrats!"Malakas na tili na naman ng mga tao.

Hindi na ako makagalaw ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit! Wala na din akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik.

"Thank you so much,Baby ko,akala ko iiwan mo na ako ng tuluyan. Hindi ko alam kong anong mangyayari sa akin kapag nawala ka pa!"

"Maging honest ka lang Halimaw ko,yon lang ang tanging hiling ko sayo."

"Yes,promise magmula ngayon hindi na ako magsisinungaling."

"Promise mo yan ha,kapag naglihim  ka ulit,hindi na talaga kita papatawarin. Sisiguraduhin kong hindi mo na ako makikita pa."Hindi yon banta,yon ang totoo,ano pamg silbi ng isang relasyon kung hindi siya magsasabi ng totoo,kung may itatago siyang sekreto.

Honesty is the best policy,ayon nga sa kasabihan.

"Promise,Baby ko!"


#Wrixie

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon