Prologue

1.3K 28 0
                                    

It's been what? Three years? Yeah. Three years. And in the span of three years, maraming pwedeng mangyari. May mga taong mananatili at merong mga taong aalis. May mga taong magbabago. May mga taong magiiba. May mga mawawala. And when I say, mawawala, maraming sakop iyon.

Number one, mawawalan ng memorya. Hindi naman sa amnesia ito ha? Pero kasi, sa loob ng tatlong taon, meron at merong mga taong makakalimot. May mga taong talagang makakalimutan lahat ng mga memories mo with them. Or worse, may mga taong sadyang kakalimutan ang mga memories. Sa anong dahilan? Dahil sa sakit na dinulot mo sa kanila sa pagalis mo.

Number two, mawawala. As in mawawala. Mawawala ang mga magagandang alaala. Mawawala yung taong dati mong nakilala, kasi napalitan na siya ng iba pang tao. Meaning, nagiba na siya. Nawala yung dating siya at napalitan sa loob ng three years na nawala ka.

Number three, mawawalan ng tiwala. Pag kasi umalis ka, either one or two sa mga maiiwan mo, mawawalan ng tiwala sayo. How? Kasi iisipin nila, na ganun na lang kadali para sayo ang iwan sila. Iisipin nila, na ganun na lang kadali para sayo na umalis. At pag naisip nila iyon, mawawalan na sila ng tiwala. Tiwala na kapag kunwari, bumalik ka, wala na yung tiwala nila na magsstay ka. Kasi tatatak sa isipan nila na yung time na umalis ka, pati ikaw nawala.

At number four, mawawalan ng feelings. Feelings ng isang kapamilya, kaibigan, katrabaho at feelings ng isang minamahal. Among the four, para sa akin ito yung pinakamasakit eh. Kasi pag umalis ka, siyempre meron naman dadating para doon sa mga iniwan mo. Kaya yung sakit ng pagalis mo, siya yung maghihilom. Ang mas masakit pa dito, baka sa pagalis mo, makahanap sila ng sa tingin nila ay mas better sayo. At unti unting mawawala ang feelings sayo at madidivert sa iba. Ganun yon. Or pwede rin namang dahil sa sobrang inis o tampo nila dahil sa pagalis mo, hindi na nila namamalayan na nawawalan ka na ng halaga sa kanila. Maraming paraan. Kaya pag umalis ka, kailangan palaging kasama ito sa listahan mo. Na may mga taong makakahanap ng iba at mapapalitan ka. At dapat, maging handa ka. Kasi minsan mas masakit pa yung feeling na 'sa pagalis mo, nakahanap sila ng iba' kesa sa feeling na 'kahit na ayaw mo, umalis ka'

Pero sadyang napakasaklap ng tadhana sa akin. Dahil lahat yan, nararanasan ko ngayon. Lahat ng meron sa akin noon ng umalis ako, nawala. Siguro ganito talaga. Ito ang kabayaran ko sa pagalis ko, ang pagkawala naman nila. Ang pagkawala ng mga kaibigan ko, at lalo na ang pagkawala niya.

Sa anong dahilan? Dahil may iba na.

*******

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now