Chapter Ten

650 24 7
                                    

Pagod akong humilata sa kama pagkatapos kong mag-ayos ng iilang gamit dito sa condo. Habang nakatingin sa kisame, naalala ko ang ginawa kong desisyon kanina. I texted Kim and told her to meet me. I'm pretty sure that Carol will be there, as well as Cienne and Camille. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, alam kong sasabihin din ni Carol sa kambal na nandito na nga ako. I wonder kung pati si Ara ay pupunta doon? Sinabi kaya nila sa kanya?

I sighed. Well, better be safe than ready! Kailangan kong maghanda sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa magiging paguusap namin. Aaminin kong kahit kailan ay hindi ko na-imagine na dadating itong panahong ito. Ang iniisip ko kasi at ang plano ko kasi talaga noon ay huwag ng magpakita, dahil natatakot ako. But, ngayon, napagtanto ko na walang patutunguhan ang takot ko. Kailangan kong subukan ang makakaya ko, just like what Riri said to me. Kung hindi ko man mapagtagumpayan, at least I tried, right?

Muli akong napabuntong hininga sa naisip ko. Alam kong kahit kailan ay wala naman talagang maidudulot ang takot. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. That's different, okay? Kinakabahan ako hindi dahil natatakot ako. Kinakabahan ako dahil ito ang magiging kauna unahang pagkikita namin after three years. What would be their reactions? Ano mararamdaman nila pag nakita nila ako? Anong gagawin nila?

I prepared for the worst. Mas mainam na isipin ko ang pinakamalalang pwedeng mangyari para maready ko ang sarili ko -- physically and emotionally. Dahil na rin siguro sa pagod, hindi ko na rin namalayan ang pagbagsak ng talukap ng mga mata ko

Nagising ako kinabukasan dahil sa napakalakas na tunog ng alarm clock. Padabog ko iyong pinatay at nagtalukbong ulit ng kumot. Inaantok pa ako! Maya maya, hindi pa man ako nakakaidlip ng kahit isang segundo, ngayon ang cellphone ko naman ang tumunog. Huminga ako ng malalim bago umupo sa kama. Hinanap ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nagtext. Nang mabasa ko ito ay nanlaki ang mga mata ko. Shit! I forgot!

Kim:

Papunta na kami. Are you really sure about this?

Madali akong pumasok sa banyo at naligo. Dinalian ko na ang paliligo pero inabot pa rin ako ng thirty minutes doon. God! Dali dali akong pumasok sa walk-in closet at nagbihis. Isang black dress na above the knee ang suot ko, lumabas na ako at hinablot ang kung ano mang sandals na makita ko. Flat sandlas na color white, okay na to! I combed my hair at hinayaang nakalugay ito. After my preparation for almost one and a half hour, kinuha ko ang pouch at susi ko sa table at nagmamadaling umalis at sumakay sa kotse.

I'm lucky na hindi traffic ngayon, it took me almost 20 minutes para makarating sa isang restaurant na napagusapan namin. Nang ipark ko ang kotse, ay mistulang doon lang nagsink in sa akin ang lahat.

Makikita ko na sila! Dumagundong ang kaba sa dibdib ko ng maalala ko ito. And that time, parang gusto ko na lang umatras at magmukmok sa condo maghapon.

What the hell is is wrong with you, Mika?!

Huminga muna ako ng malalim at dahan dahang lumabas sa kotse. I'm trying to calm myself. Pero kahit anong pilit ko, malakas pa rin ang kabog sa dibdib ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko namalayang nakapasok na pala ako sa loob ng restaurant. Hindi ko alam kung guni guni ko lang at sadyang napaparanoid lang ako, pero ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa akin pagkapasok ko. I ignored them dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko at ang apat na pares ng matang nakatingin sa akin.

Kinuyom ko ang mga kamay ko upang matago ang nararamdaman kong panghihina ng makita ko sila. Apat lang, wala si Ara. Bakit wala siya? And, bakit parang disappointed ako? I should be thankful, right? Right!

Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang naglakad papalapit sa kanila. Para akong naglalakad sa alapaap papunta sa kanila. Nasa pinakadulo ang pwesto nila kaya tahimik akong nagpasalamat dahil tago kami sa tao.

Sa Aking Muling PagbabalikOnde as histórias ganham vida. Descobre agora