Chapter Nineteen

609 15 1
                                    

Tulala akong naglalakad pabalik sa loob ng condo ko pagkaalis na pagkaalis ni Kim. Hindi ako makapaniwala! Paanong nangyari iyon? Bakit? Hindi ko napansin sa kanya. Kung hindi pa sinabi ni Kim ay wala pa rin siguro akong ideya sa mga nangyayari! Tangina. Pinaglalaruan na naman ba ako ng tadhana?!

"Mika, alam kong labas ka na dito. Pero sa tingin ko kasi, kailangan mo talagang malaman."  Ani Kim sa akin.

Doon pa lang ay kinutuban na ako. Hindi ako makagalaw dahil kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin niya. Until she spilled it.

Bumuntong hininga siya. "Sinugod kagabi sa hospital si Bang. She's sick, Mika."

"What?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko inexpect iyon! Paanong mangyayari eh samantalang kagabi lang..

Shit. Kaya ba simula nung tumakbo ako papalayo, at hanggang kaninang pagkagising ko ay hindi ko na sila nakita pa? Napatingin ako kay Kim na pinagmamasdan lamang ang reaksyon ko. Maya maya pa ay bumuntong hininga na naman siya na para bang sobrang hirap na hirap siyang isiwalat sa akin ang lahat.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinignan ako sa mga mata.

"Sa ngayon, Miks. Pwede bang--- pwede bang huwag ka munang magpapakita kila Cienne? Babalitaan na lang kita kung may gusto ka pang malaman." Aniya.

Huminga siya ng malalim at binitawan ang mga kamay ko. Umigting ang mga bagang niya at umiwas ng tingin sa akin.

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa hiling niya. Hindi ko maitindihan. Anong kinalaman ko sa mga nangyayari kay Kim? Bakit kailangan pang huwag akong magpapakita kila Cienne?

Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi, Kim?"

"Sundin mo na lang ako. Para rin naman ito sa ika---"

"Bakit nga, Kim? Gusto kong malaman." Desidido kong saad.

Suminghap siya at tinignan ulit ako. Hirap na hirap siya sa pagsasabi sa akin. Pero hindi eh. Kailangan kong malaman kung bakit. Bakit niya hinihiling sa akin iyon?

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Ikaw ang sinisisi nila, Mika. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang ideyang iyon o kung sino man ang nagtulak sa kanila para paniwalaan iyon. Ilang beses ko na ring pinaliwanag na labas ka sa sitwasyon ni Bang, pero hindi sila naniniwala."

Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bakit ako? Bakit ako ang sinisisi e wala naman akong kinalaman doon?

"P-paanong?" Naguguluhan kong saad.

Hindi ako mapakali. Iniisip ko kung may nagawa ba akong masama at mali kay Bang para ako ang sisihin nila sa mga nangyayari sa kanya. Pilit kong iniisip kung ano ano yung maaaring dahilan para ako ang masisi. Pero sa iisang bagay lang din napupunta ang isip ko. Sa iisang tao.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now