Chapter Three

752 18 0
                                    

Wala sa sarili akong naglalakad sa dalampasigan. Nakaslippers lang ako kaya nababasa ang mga paa ko tuwing humahampas ang alon. Maliwanag ang buwan kaya hindi ako nahihirapang makita ang lugar kahit na sobrang lalim na ng gabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Nandito ako para sana makalimutan ko ang problema ko kahit papaano at magsaya pero hindi ko ineexpect na ganito ang mangyayari. Haharapin ko naman sila eh. Totoo yun. Ako mismo ang lalapit sa kanila. Pero hindi naman ngayon. Wag ngayon. Hindi ako ready eh. Wala man lang nagsabi sa akin para sana makapagready ako kahit papaano diba? Naiinis ako sa sarili ko kasi three years. Three years na pero namumuhay pa rin ako sa nakaraan. Siguro, ito yung parusa ko? Sa pagiwan sa kanila sa ere. Grabe naman. Tatlong taon na akong nagdudusa at naguiguilty. Hindi pa ba sapat yon? Sila, okay na eh. Hindi ba pwedeng ako naman?

"Andito ka lang pala."

Napalingon ako sa taong biglang nagsalita sa likuran ko. Si Jessey. Hindi ko alam pero bigla bigla ko na lang siyang niyakap. Alam niya lahat. Sa kanya ko lang sinabi. Hindi niya nga lang sila kilala. Kwento lang ang alam niya at mga pangalan.

"Hey. What's your problem? Bigla bigla ka na lang umalis kanina. Nagalala kami." Alanganin niyang sabi sa akin habang hinahaplos ang likod ko.

Napapikit ako. Heto na naman. Nagsisimula na namang mamuo yung mga luha sa mata ko. Nakita ko pa lang sila niyan ah? Pano pa pag nakausap?

"Mika? Are you crying?"

Kumalas siya sa yakap at hinarap ako. Pinunasan ko agad yung pisngi ko. Nakakahiya. We're here to enjoy and to celebrate. Pero sinira ko.

"I'm sorry." Tanging nasabi ko na lang.

Hindi ko alam kung paano ko nagawan ng paraan na hindi tumulo yung luha ko habang nakaharap kay Jessey. But, thank God. Kahit ngayon lang please. Sana maging matatag ako.

"What happened? Why are you crying?" Nagaalala niyang tanong sa akin.

"They're here, Jz. They are here. Nakita ko sila, Jz. Kitang kita ko." Sabi ko sa kanya.

Tumingala ako para pigilan ang pagluha ko. Grabe. Ito yung epekto sa akin ng lahat. Kahit masaya kami kanina, naiiyak pa rin ako ng makita yung dati kong mga kaibigan. Naiiyak pa rin ako ng makita ko siya. Anim kami dati eh. Ako, si Kim, yung kambal, si Carol, at si Ara. Ang tatag tatag namin dati. Ang saya saya namin dati. Pero umalis ako. Iniwan ko sila. Nang hindi nagpapaliwanag.

Nang tumingin ako kay Jessey ay nanlalaki ang mga mata niya sa gulat. Hindi na niya kailangan pang magtanong kung sino ang tinutukoy ko dahil alam na naman niya.

"Ha?! Asan?!" Nagugulat niyang tanong.

Luminga linga siya sa paligid pero kami lang dalawa ang tao. Akala yata niya ngayon ngayon ko lang nakita kaya kung makahanap wagas. Nung makita siguro niyang walang tao ay tumingin siya sa akin.

"Ano? Okay ka lang? Gusto mo ba, umuwi na tayo bukas ng umaga? Maiintindihan naman nina Mela eh." Suggestion niya.

Umiling ako. "Nakakahiya."

Nandito kami para magsaya. I don't want to be selfish. Ayokong sirain yung kasiyahan namin dahil lang sa nakita ko kanina. Iniwas ko kay Jessey yung tingin ko ng maramdaman ko na naman ang paginit ng gilid ng mga mata ko.

"Okay lang. Kaysa naman nagkakaganyan ka. May next time pa naman eh." Nakangiti niyang sabi.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now