Chapter Twelve

628 14 6
                                    

"So, everything is settled, then? Thank you, Ms. Reyes. It is such an honor to work with you on my agency." Nakangiting sabi sa akin ni Air Padda.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko na nga namalayan e. Everything is still fresh for me. But, life must go on. I can't let down myself that easily. Hindi ako nakaabot sa ganitong sitwasyon para sumuko agad. Nasaktan ako, oo. Pero kaya ko pa. Kailangan kayanin ko pa. Kakayanin ko.

Well, today is Saturday. Right in front of me is Airess Padda, isang sikat na model not just here, but also sa international din. Hindi siya ang nakausap ko noon sa telepono pero daw noong nabalitaan niyang ako ang kausap, siya na daw ang nakipagmeet. I just can help but to be flattered. Sinadya pa talaga niya ako. Well, we're on the same stage, anyway.

"It's my pleasure, madame. Thank you for this opportunity." I replied.

"So, by the way. May fashion show na gaganapin sa isang sikat na company, this coming Monday. Nilagay kita sa finale since I know that you're used to this and besides, you're very professional and I like your attitude so much."

"This Monday? As in Monday na two days from now?" Gulat kong tanong.

"Yup! Sorry for the rush. Pero matagal na rin kasing naplano yun. Well, bukas na sana yung fitting ng mga gowns and probably rehearsal."

Tomorrow is Sunday, wala naman akong masyadong gagawin e. Besides, I'm thankful na hindi masyadong naging mahirap para sa akin ang pagpasok ko sa agency nila. Heto nga at may ramp na kami agad.

Nahihiya akong tumango sa kanya. Masyado akong nabusog sa mga compliments na natanggap ko mula sa kanya e.

"I'll be there, madame! Thank you so much." Nakangiti kong sabi bago muling makipagkamay sa kanya.

Nang makaalis siya ay umupo muli ako sa upuan ko, hindi ako nakakain ng maayos habang nagmemeeting kami dahil bukod sa sobrang dami naming napagusapan, nakakahiya namang kumain ng madami no! Siya nga hindi man lang naubos yung inorder e. Well, makatutulong na rin sa akin yun dahil may fitting pa pala kami bukas. Kailangan ko munang umiwas sa mga ma-calories at fats ngayon.

I ordered some food. Habang kumakain, iniisip ko kung sino sino ba ang mga makakasama ko sa rehearsals. Ang sabi ay finale ako, so sino ang makakasama ko for finale? O ako lang ba mag-isa? I'm excited for tomorrow. Sana maging maayos ang lahat. San naman kaya ang venue? Nakalimutan kong itanong. Well, sabagay malalaman ko rin naman bukas e.

Ipinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na sa pagkain. For the past few days, I let myself to cry. Nung bata ako, my father always reminds me that crying doesn't always mean that you're weak. Tinuruan niya akong ipakita at ilabas ang tunay kong nararamdaman. How I miss him. How I miss my father.

Pinilit kong tanggalin sa isipan ko ang tungkol doon at binilisan na ang pagkain.

Napukaw ng pansin ko ang isang grupo ng magkakaibigang papalapit sa direksyon ng restaurant. Nagecho sa buong paligid ang malakas na tawanang nanggaling sa may entrance. Halos mamilog ang mga mata ko sa nakita.

Cienne, Camille and Carol is laughing like everything is so fine with them. A smirk is plastered on Kim's face. But what affects me the most is her presence. Ara's presence.

Natigil silang lahat ng makita akong nakaupo doon. Malapit ang upuan ko sa entrance. Kung tutuusin ay pagkapasok na pagkapasok pa lang ay ang seat ko na agad ang makikita mo.

Natulala ako sa nakita. Sumeryoso ang mukha ng Kambal at ni Carol. Nagaalala namang nakatingin sa akin si Kim. I smiled awkwardly at her. Marahan siyang tumango sa akin at tumingin sa katabi kaya sinundan ko ng tingin ang mata niya. Napunta ang tingin ko kay Ara na laglag panga na nakatingin din sa akin.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now