Chapter Seven: Leave

801 25 6
                                    

A/n: sorry po sa mga typo, gramatically error at sa mga wrong spellings po last chap. Hindi ko po kasi nacheck.

***

Dalawang buwan. Dalawang buwan ko na siyang di nakikita. Masakit? Oo, syempre naman! Sobra sobra. Miss na miss ko na siya pero wala akong magawa! Wala akong choice eh. Anong gagawin ko? Pupunta ako doon? Tapos anong mangyayari? Mapapahiya siya dahil sakin? No way!

Pero, di ba siya pwedeng pumunta dito? Kahit isang araw lang? Naiintidihan ko naman na malaki ang problema nila eh. Believe me. Naiintindihan ko yun. But, how about me? Paano ako? Mahalaga din naman ako ah. Bakit kahit isang tawag nung anniversary namin, wala? Isang tawag lang naman ang hinihingi ko. Isa lang. Pero bakit hindi niya naibigay?

Bakit? May iba na ba siya doon? Napagtanto niyang gusto din pala niya ng babaeng makakatulong niya sa GGC? Napagisip isip niya bang tama ang Mommy niya? Ano? May bago ba?!

Napahilamos ako ng mukha sa mga naiisip ko. I can't help but to over think! Andito ako at nandoon siya! Malay ko ba kung may nakilala siya doon?! Ano?! Mas maganda ba sakin? Mas naalagaan siya? Mas gusto niya dahil nakakatuwang niya sa GGC unlike me? Mas masayang kasama dahil pareho sila ng hilig? Ano?!

Kinagat ko ang labi ko dahil sa labis na paghagulgol. No. Hindi pwede yon! Mahal ako ni Ara eh. Hindi niya magagawa sa akin yun. Wala siyang iba okay? Mika. Stop it. Hindi iyon maganda. Baka--- Baka busy lang siya sa trabaho. Baka marami siyang inaasikaso. Baka sobrang nasstress na siya dahil sa lagay ng kumpanya. Baka nakaligtaan niya ng icheck yung cellphone. Baka hindi niya alam ang date. Baka--

Napapikit ako ng wala na akong ibang maisip na dahilan. Pilit kong pinapagaan ang loob ko at iwinawaksi ang mga masasamang iniisip. Hindi maari yon eh. Imposible! Hindi talaga.

But kahit na anong pagtatapal ko sa ideya na iyon, dun at dun talaga pumupunta ang utak ko -- na may iba siya. Ayoko, okay? Ayokong i-entertain! Because it is Ara we are talking about here! Hindi niya magagawa yun! I trust her! I trust her more than I trust anyone! H-hindi pwede. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin!

Napaupo ako sa sahig at doon ko inilabas lahat ng sama ng loob ko. Pinagsusuntok ko iyon at hindi ko na inisip kung masasaktan ba ako o hindi. Kung masusugatan ba ako. Namamanhid ang buong katawan ko. Images of Ara with another girl keeps on bugging my head. And I don't like that. I really don't like what I am thinking.

Nang makuntento ako ay wala akong ibang nagawa kundi ang sapuhin ang aking mukhang basang basa ng luha. Hindi pa ako umiiyak ng ganito katindi. Kahit kailan. Ngayon lang. And it is funny to think na wala akong valid reason sa pagiyak ko. I'm devastated because of nothing. I'm crying because of nothing. And my heart hurts like hell because of that 'nothing'.

"What the hell?!" Rinig kong mura ng kung sino sa kung saan.

Maya maya ay nakarinig ako ng mabibigat at mabibilis na yapak ng sapatos. Papalapit ito sa akin pero hindi ko man lamang nagawang tignan. Dali dali kong pinunasan ang luha ko at pilit na kinakalma ang sarili.

Nakaramdam ako ng mariing paghawak sa balikat ko at sunod nun ay ang isang napakahigpit na yakap. Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol sa balikat niya.

"What happened? Why are you crying?" Hinimas himas niya ang likod ko pero hindi niyon nabawasan ang bigat sa nararamdaman ko.

Nanatili kaming ganon sa loob ng ilang sandali. Nang mahimasmasan ako ng kaunti ay bumitaw ako sa yakap at pilit na kinalma ang sarili. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at nahihiyang tumingin sa kanya. "Carol, what are you doing here?"

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now